Ang pinakasabaw, sopas at lugaw sa lahat ng sabaw, sopas at lugaw. Bow.
Her: Nakita ko siya.
Him: Nakita ko siya.
Her: Hindi ko alam kung nakita niya ako.
Him: Hindi niya alam na nakita ko siya.
Her: Sa iba siya nakatingin eh.
Him: Hindi ko kayang makita siya.
Her: Nakatingin siya sa girlfriend niya.
Him: Kasama niya boyfriend niya.
Her: Manliligaw ko lang yung kasama ko.
Him: Namamasyal kami ng pinsan ko.
Her: Lagi ko siyang naiisip.
Him: Hindi siya nawala sa isip ko.
Her: Hindi ko siya makalimutan.
Him: Nakalimutan na niya ako.
Her: Kinalimutan na niya ako.
Him: Ayaw ko siyang kalimutan.
Her: Hindi niya ako minahal.
Him: Mahal na mahal ko siya.
Her: May mahal na siyang iba.
Him: May mahal na siyang iba.
Her: Siya pa rin.
Him: Sana ako pa rin.
Her: That's all in the past.
Him: Mag-focus sa present.
Her: Tumalikod na ako.
Him: Tumalikod na siya.
Her: Nilingon ko pa siya.
Him: Tumalikod na ako.
Her: Paalis na siya.
Him: Paalis na siya.
Her: Umalis na ako.
Him: Nilingon ko siya.
Her: Wala na.
Him: Wala na.
THE END. XD
BINABASA MO ANG
Him & Her
Romance“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.” ― Bob Ong