PATAWAD, PAALAM

17 4 0
                                    

Nandito ako ngayon, sa loob ng isang institusyon, tinuturukan ng karayom, nakahiga habang maraming mga tubo ang nakakabit sa aking katawan.

Masakit...masakit na araw-araw ay tuturukan ka na lang ng karayom.
Masakit....masakit na araw-araw ay dinadama mo ang sakit sa katawan na nakukuha mo mula sa loob ng institusyong itong madugo.
Ngunit wala na yatang mas sasakit pa sa nalaman kong ito.
Nabibilang na lamang ang mga araw na ako ay nabubuhay.
Pero may mas sasakit pa pala doon.
Mas masakit na malaman kong kaya ka lamang narito ay dahil ika'y napilitan lamang.
Mas masakit pa pala iyon sa katotohanang mamamatay na ako at wala na sa'yong mag-aalaga at magmamahal gaya nang ginawa ko noong mga panahong tayo ay malakas pa at hindi natitinag ng kahit sino.

Masyadong masakit isipin ang katwirang nandito ka habang labag naman pala ito sa iyong damdamin.
Ganoon na ba talaga kalaki ang iyong galit sa akin at hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako mapatawad?
Ganoon na ba talaga?

Hanggang ba naman ngayon ay nagdududa ka pa rin ba?
Dahil ba 'yon doon?
Dahil ba 'yon sa aking nagawang pagkakamali ilang taon na ang nakalipas?
Ang sabi ko naman sa'yo 'di ba, "mahal kita, at hindi ang iyong napagbigyan pansin ang basehan para mawala ang pagmamahal na iyon na nakalaan lamang para sa'yo".

Ngunit, hindi mo ako pinaniwalaan.
Dahil ang sabi mo, "kitang-kita ko ang lahat, wala ka nang kailangan pang pagtakpan pa".

Pinilit kong magpaliwanag
Araw, gabi, pilit kitang sinusuyo.
Pilit kitang sinusuyo dahil ayaw kitang mawala dito sa puso ko.

Linggo, buwan, taon kitang pilit suyuin.
Ganoon kita labis kamahal.
Na kahit na nakikita kong iba na tayo, wala na ang tanging nagdudugtong sa atin,
Pilit ko pa ring gumawa ng paraan para muli kang bumalik sa aking mga bisig.

Mahal kita. Mahal na mahal.
At kahit unti-unti nang nawawala ang pagmamahal na iyon diyan sa puso mo ay patuloy pa rin akong umaasa, at dahil iyon sa katwirang mahal kita.

Ngunit, hindi kinaya nitong pusong kay tagal kang hinintay.
Kinailangan rin nitong magpahinga, dahil habang tumatagal ay labis itong humihina.
Ngunit kahit ganoon, patuloy pa rin akong lumalaban dahil alam ko, umaasa ako, na kahit kaonti ay may natitira pa diyan sa puso mo.
Lumalaban ako dahil mahal kita.
Lumalaban ako dahil gusto pa kitang mahagkan kahit sa isang saglit man lamang para ipadama muli sa'yo kung gaano kita minamahal at labis na iniibig.
Lumalaban pa rin ako kahit pilit mo akong ipagtabuyan, kahit pilit mo akong isumpa.
Lumalaban ako hindi dahil sa katwirang minahal mo ako, kundi dahil sa ikaw ang isinisigaw nitong pusong matagal ng nag-aantay na sana ay mahalin mo ako muli.

Ngunit, siguro tama na ang lahat.
Tama na ang kakaisip ko sa'yo.
Tama na ang alam kong minahal mo rin ako.
Tama na ang umasa pa akong makukuha pa rin kita.
Dahil sa tuwing iisipin ko iyon, mas lalo lang akong nahihirapang ipaglaban ang pagmamahal kong ito sa kamatayang naghihintay sa akin.

Siguro tama na nga talaga ang lahat.
Tama na sigurong napagmamasdan lamang kita.
Siguro sa gayon ay mas hahaba pa ang buhay ko para damhin muli ang pagmamahal ko sa'yo.

Sumusuko na ako.

Ngunit sumuko man ako, wala pa ring magbabago sa pagmamahal na tanging sa'yo lamang nakalaan magpahanggang wakas.

Sumusuko man akong makuha ka muli, hindi ibig sabihin noong wala ka nang puwang dito sa puso ko.
Sumusuko man akong muling ipadama sa'yo ang pagmamahal na nais mong damahin noon ay hindi ibig sabihing hindi kita mahal.
Sumusuko ako dahil sa katwirang,
Mahal na Mahal kita.
At iyan ang totoo.

Patawad, paalam.

Hindi man na ako magparamdam sa'yo, ang pagmamahal ko sa'yo ay kailan ma'y hindi mababawasan at kailan ma'y mananatili dito sa puso ko.

-es/eb





Para sa mga sugatang damdamin.
Para kay Ate LD na nasaktan ng napakalalim.
Para sa lahat ng umiibig na nasaktan at malapit ng masaktan.

PATAWAD, PAALAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon