Chapter 4.2 (The Flashback)

1.1K 10 0
                                    

D's Note:

Eto na ang madramang nakaraan ni Jericho.

P.S. nasa gilid po ang picture ni Jane, Jericho's ex-girlfriend.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Si Jane Reyes ay ang kababata at bestfriend ko.

Ang mga magulang namin ay matalik na magkakaibigan.

Kaya naman halos hindi na rin kami mapaghiwalay ni Jane sa isa't isa.

Kasabay ng aming paglaki ay ang pag-usbong na rin ng pag-iibigan namin para sa isa't isa.

Hindi nagtagal ay niligawan ko si Jane at naging kami nga. Hindi naman naging lingid ito sa kaalaman ng aming mga magulang. Sa katunayan ay natuwa sa sila para sa amin.

Walang oras na hindi kami magkasama ni Jane.

Sa eskwelahan ay magkaklase pa rin kami. Kaya naman ay hatid sundo ko rin siya sa kanilang tahanan.

Tuwing araw naman ng Linggo ay sabay-sabay ang mga pamilya namin sa pagsisimba at pagpunta sa mall.

Mahal na mahal ko talaga si Jane. At hindi ko na kayang mabuhay pa kung mawawala siya sa buhay ko.

Pero may biglang nangyaring trahedya sa buhay namin na naging sanhi ng pagbabago ng lahat.

Si mama...

Si mama ang ugat ng lahat...

Loving Mr. Yabang?! - Short Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon