Paano nga ba? → Unang Tampuhan

541 24 4
                                    

NAPALINGON kaming dalawa ni Jeff sa tumawag sa akin. Lagot, si Uriel nakataas ang kilay. Pero teka nga. Bakit ba ako nagi-guilty eh wala naman akong ginagawang masama. Hindi rin naman ako ang unang lumapit.

Tumayo ako at lumapit patungo sa kanya. Sumunod naman si Jeff.

"Ah, Uriel si Jeff nga pala." Halatang nanlaki ang mga mata niya habang napatingin sa akin. "Jeff si Uriel."

"Boyfriend niya pare." Madiin ang bawat salita na binitawan niya habang inilahad ang mga kamay sa bagong kakilala.

Ito ang isa sa quality na nagustuhan ko din kay Uriel. He knows how to contain himself. Kahit badtrip pa siya.

"Nice meeting you pare." Iniabot naman ni Jeff ang kamay niya at nakipagkamay. "Sige Gail I'll go ahead."

"Mabuti pa nga." Kahit bulong ang sinabing iyon ni Uriel ay sapat lamang upang marinig ko. Buti na lamang at hindi na narinig ni Jeff.

"Okay lang naman na okay na kayo ng ex mo but not to the point na magkasama kayo. And Gail?" Halata sa mga mata niya ang... selos? "Let's go." Inaya na niya ako papunta sa kotse niya. Walang ni isang nagsalita sa amin sa byahe. Nanibago din ang mga tao sa bahay namin dahil hindi makulit ngayun si Uriel. Hindi na rin siya nagtagal sa amin para mag-dinner.

"May problema ba kayo ni Uriel?" Si Dad na halatang nag-aalala. "Nakakapanibago na hindi siya dito nag-dinner ngayun."

"Dad, sinabi naman niya na may kailangan siyang tapusin na school work di ba?" Sagot ko na lang.

"Well, kahit may rehearsals siya with his band mas priority ka pa rin niya." Pilit pa rin ni Dad.

"Dad banda 'yun, studies ngayun." Nawawala na ako sa mood. "I'll go to my room now."

Iniwan ko na sa dining si Dad. Makulit na kasi siya eh. Hindi naman niya ako pinabalik so I suppose hindi siya galit. Mas occupied siguro sa kakaisip kung ano ang problema ng favorite child niya. Si Uriel ang tinutukoy ko. Mas close na sila ngayun kaysa sa akin.

Nasa kwarto ko na ako ngayun at kausap si Hazel sa kabilang linya ng telepono. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari.

"What do you expect him to feel B1?" Panimula ni Hazel. Nagbabadya na ang mahabang sermon na galing dito. "You want him to be friends with your ex? B1 tama naman yung sinabi ni Uriel. It's okay to be okay with your ex but not to the point na magkasama kayo sa isang lugar na kayo lang dalawa. Kahit pa sabihin mong wala kayong ginagawang hindi dapat. He's still your ex. And Uriel's still unsure of your feelings towards him."

Tahimik lang akong nakikinig kay B2. But the last sentence really struck me. Uriel's still unsure of my feelings towards him kahit kami na. Well, I cannot blame him. Me, myself are still unsure. I know I like him but is it enough to say that I love him?

"Are you still there B1?" Tanong ni B2 sa kabilang linya.

"I was just thinking, sorry." Sagot ko dito.

"I think you should talk to Jon." Tinutukoy nito si Nathan. "He knows his brother best."

"Ok, thank you B2." Natapos na ang usapan namin. Nag-dial na din ako para makausap ko na si Nathan.

"Oh Abi napatawag ka?" Bati nito sa akin.

"About Uriel." Sabi ko.

"What about him?" Panimula niya. "Nagulat nga ako kanina ang aga niya umuwi. We all thought he was going to have dinner in your house. Nandito na siya when I got back home. Kumuha lang ng something to drink sa fridge then nagkulong na sa kwarto. Hanggang ngayun maingay ang drums niya. May L.Q. ba kayong mag Biels?"

At inulit ko na naman ikwento ang nangyari kanina.

"I think nagseselos lang ang 'lil bro ko." Natatawa pa ang mokong sa kabilang linya. "Let him be. Hayaan mo muna siya magpalamig. Let him have some time to think and reflect. Lilipas din naman 'yun. Si Jeff din medyo layuan mo muna. Kahit pa siya ang unang lumapit sa'yo. Kilala ko kung paano magmahal ang kapatid ko. I've seen it before. And I've experienced kung paano niya ako pagselosan with April. I think he just need more assurance from you. Kahit kayo na, hindi pa rin maiaalis sa kanya na magselos lalo na kay Jeff. First love mo 'yung tao."

"Bakit ba masyadong concern ang mga lalaki sa kung sino ang first?" Tanong ko dito.

"I guess it's the same with you girls." Sagot nito. "Concern naman kayo who will be the last. Hopefully maayos niyo na 'yan before ang camp which is on saturday na."

"Hopefully."

SABADO na bukas and guess what. Hindi pa rin nakikipag-usap sa akin si Uriel... ng matino.

I mean, kakausapin lang niya ako kapag kinakausap ko siya. Mostly one word lang sagot niya like oo, hindi, meron, wala, medyo at ewan.

Kung suswertehin pa ako tango at iling lang ang isasagot niya sa akin.

"Are you going to fetch me tomorrow?" Tanong ko sa kanya.

At tama nga hinala ko, tumango lang siya sa akin habang nasa kotse niya kami. Ihahatid niya ako pauwi. Sinusundonat inihahatid pa rin niya ako tuwing school days. Sa mga breaktime naman, hindi na siya nasabay.Sa text message yes, no or no reply. Sa calls naman, hindi na ako nag-aabala pa.

Hindi na rin siya nagdi-dinner sa bahay ngayun. Wala na ako maisagot kay Dad at sa mga manang namin sa bahay kakausisa kung bakit hindi na madalas pumupunta sa bahay si Uriel. Hanggang gate na lang ito lagi.

"May problema ba tayo?" Hindi ko na mapigil ang sarili ko.

"Ewan." Tanging sagot nito. Wala ring emosyon.

"Uriel, kung may problema tayo sabihin mo." Naiinis na sabi ko sa kanya. "Hindi 'yung ganito ka sa akin. I'm totally clueless kung ano bang nangyayari sa iyo... sa atin."

Hindi siya sumagot hanggang sa iparada niya ang kotse sa harap ng gate namin.

"Nami-miss ka na nina Dad." I told him habang pinipigil ang mga luha na bumagsak mula sa mga mata ko. "Pati sina manang at iba pa sa bahay tinatanong kung bakit hanggang gate ka na lang lagi."

Wala pa ring sagot or reaction man lang mula sa kanya. Hindi rin ako nililingon.

"I miss you Uriel." Sabi ko nang bumaba ako mula sa kotse niya. Hindi ko na nakita kung ano ang reaction niya dahil tumalikod na ako para pahirin ang mga luha ko na hindi ko na napigil bumagsak.

Narinig kong harurot paalis ang kotse niya bago ko pa buksan ang pinto ng bahay namin.

Inayos ko na rin ang sarili ko para hindi na rin mag-alala si Dad.

Sa ngayun isa lang ang alam ko. Ayoko nang ganito kami ni Uriel. At ang nararamdaman ko ngayun? Natatakot ako na mawala siya sa akin.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Just want to share with you lovies... Na-imagine ko lang sana gawan ng series si Sharlene. Kasi matagal na pinu-push ang meteor garden sa halos yata karamihan sa mga leading actress ng abs-cbn hindi naman nama-materialize. Kung 'yung He's beautiful na lang kaya? You know that korean series? Tamang tama drummer si Francis, pwede siyang si Jeremy. Si Nash magaling mag gitara. Mukha namang marunong din si Jairus sa guitar (sorry hindi ako sure eh). Kahit sino sa kanila 'yung si Shin Woo at Tae Kyung. Kaso nga lang piano yata 'yung girl na bida pero pwede naman gawan ng twist na maging guitar din 'di ba? Wala lang. Naalala ko lang 'yung scene sa bus nina Jeremy at Mi Nyu. Tearjerker. Feeling ko kasi super perfect nung bus scene kina Sharlene at Francis. Wala lang. Lokalokahan lang ang peg ko ngayun. Si Francis kasi nag-post ng cute instavid niya eh. Miss ko na din ang Francella kaso mas Sharlene fan ako eh. Kaya si Sharlene lagi ang lead sa mga ginagawa ko. Wala lang. 'Yun lang gusto ko sabihin. ♥

Paano nga ba? (Sharcis fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon