2

18 0 0
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa cottage na titirhan ko ay di pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa mga choosen.

Hindi ako choosen.

sul-sul ko sa sarili ko. pero ano ba ang kapangyarihan ng mga choosen. oo user ako pero hindi ko alam kung ang taglay kung kapangyarihan ay para sa mga Choosen.

pinuksa ko muna sa isipan ko ang tungkol sa nga choosen at tinapat ang sarili sa mga detalyeng nakasulat sa papel ko. ito muna daw ang magiging temporary cottage ko hanggang hindi pa ako na te-test ng academy.

isa pa pala ang test na sinasabi nila- kailangan namin magkaroon ng survival test. then after a month may cavalry exam naman para sa foundation ng academy.

naalala ko tuloy ang sinabi ni miss kelly kanina bago mag tapos ang orientation.
"
survival exam ay mangyayari sa makalawa at  dito mababasi ang level year kung hanggang saan niyo kayang dalhin ang ability at kapangyarihan niyo. ito rin ang magiging basehan para makakuha ng points at coins at siyempre para sa bahay na titirhan permanently.
Open ito sa lahat maging sa mga old students dahil dito rin nila mapapataas ang rank nila at para makakuha ng malaking pera.
ang kailangan lamang gawin sa survival exam ay pataasan ng points na mapapatay sa loob ng tatlong-pong minuto.
5 points para sa mga makakapatay ng mga giant mantis.
10 points para sa makakatalo ng mga Metal Rhino. at--
30 points para sa makakatalo sa mga Giant Gorilla... at ang iba ay malalaman niyo sa makalawa."

hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako ng sobra sa survival exam. pano kung ako ang pinakakulilat?  though alam ko ng gamitin ang kapangyarihan ko pero siyempre iba parin talaga kung expert ka na. haist!

ng marating ko ang daan para sa pansamantalang cottage na totirhan ko ay napabuga ako ng hangin.

"Ito na talag, wala ng atrasan."

at naglakad na ako papasok. habang naglalakad ay pansin kong marami-rami narin ang naririto at halo-halo may lalaki at babae hindi separated kumbaga. may iba nagkakamustahan, at may naman nagtatawanan pansin rin ang mga kapangyarihan nilang lumilitaw unconsciously and consciously man.

ng dahil nga hinahanap ko ang numero ng pansamantalang titirhan ko which is Room-22 ; ay di ko napansin na man maliit na babae na palang tumatakbo patungo sa kinaruru-unan ko at di niya pansin na may tao sa harapan niya na naging sanhi ng banggaan namin.

blag!

"Ayy! Sorry po. Sorry di ko po sinasadya may humahabol kasi sakin." at dali-dali niya akong tinulungan na pulutin ang mga gamit ko at pinasok sa maleta.

sabay namin kinuha ang papel na bigay samin kanina sa registrar kung saan nakadetalye ang mga dapat kung puntahan after orientation.

ng bigla siyang sumigaw--

"ARAY!" napakatinis na para bang napaso siya sa di malamang dahilan na ikinagulat ko.

"o-okay ka lang? " pinagtitinginan na kami ng mga tao na naging dahilan ng pagkaba ko. ano ba ang nangyari.

"a-ah wala - okay lang acting ko lang yun." nguniti siya at dali-daling tumayo kaya ako naman ay ipunagpatuloy ang pagkuha sa mga gamit ko- ng mapansin kung huminto siya sa may likod ko.

"G-gosh! anong nangyayari sa kany?"

"She's glowing"

"Her eyes!"

samot-saring bulungan ang narinig ko kaya naman tinignan ko ang likod ko.

nala-atras ako dahila ng babaeng nakabanggaan ko kanina ay lumulutang at umiilaw ang mga mata habang ang kanyang mata ay pinalilibutan ng liwanag.

"Le temps est venu. Les choix sont maintenant là."
kanyang bigkas na hindi ko naintindihan.

akala ko ba may nakapalibot na spell sa loob ng lugar na to para mawala ang language barrier?

"Été Gomez, princesse du royaume suprême." at bigla nalang nawala ang liwanang sa kanyang mata at bumalik na ito sa normal.

tumalikod na siya at hahakbang na sana ng magsalita na ako.

"sa-sandali!" awat ko." ano ang ibig mong sabihin?"

tumingin siya sakin na nagtataka.

"huh? ahh sorry miss sa nangyari ha di ko sinasadya."
sagot niya na para bang walang ideya sa mga nangyayari.

anong nangyayari?

tumalikod siya pero bigla siyang nagsalita."Ingatan mo ang iyong sarili, Sana ang daan na tatahakin mo ay daan na kayang tawirin ng lahat..." sabi niya na mas lalong nakapagtaka sakin. " sige aalis na ako at oo nga pala.." tumingin siya sakin at ngumiti ng napakalambing"Ikinagagalak kitang makila sa perosonal-Prinsesa."  at tumakbo na siya ng napakabilis.

habang ako ay nakatunganga at litong-lito sa mga nangyayari.

ano nga naman ang ine-expect ko sa mundong puro may mahika.

The Path.

SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon