~Her POV
Tumatakbo ako nang mabilis na mabilis dahil nararamdaman kung may sumusunod sa akin na hindi ko alam kung sino o kung anong nilalang.Tumingin ako sa buwan at nakita ko kung paano kalaki ito at kung paano ito kaliwanag.Dahil sa liwanag nito,nakikita ko nang maayos ang aking tinatahak na daan.Nang makakita ako nang malaking kahoy ay agad akong sumilim upang magtago rito.Luminga linga ako upang malaman ko kung ano at nasaan ang sumusunod sa akin.
Nang masigurado kung wala na ang sumusunod sa akin ay tumayo ako at pinagpag ang aking pantalon.Aalis na sana ako sa malaking puno ng may tumawag sa aking pangalan.Agad nagtayuan ang aking mga balahibo sa hindi malamang dahilan.Nagpoprotesta ang aking puso't-isipan kung sasagutin o haharapin ko kung sino ang tumatawag sa akin.Hindi ako lumingon o tumakbo man lang.
Nakatayo lang ako at nagdadasal na hindi ito totoo at kathang isip lang ang lahat ng mga ito.Unti-unting lumakas ang tunog ng mga yapak nang paa na lumalapit sa kinatatayuan ko.Hindi nakikiayon ang mga paa sa utak ko. Nararamdaman kung papalapit ng papalapit ang mga yabag ng paa na lumalapit sa akin.
Unti-untin humaharap ang aking katawan patungo sa kung sino man ang tumatawag sa pangalan ko.Halos himatayin ako sa aking nakita.
Isang lalaki na nakaputi at may umaagos sa katawan niya na maraming dugo...dugo
napakaraming dugo..
"Aaaahhhhh"
BINABASA MO ANG
Sa Isang Maliwanag na Gabi (One Shot)
Mystery / ThrillerOne shot story of kaechosan!