Chapter 2: BIPOLAR

5 0 0
                                    

kieve's Pov

Maaga akong nagising dahil sa malakas na Boses at pamilyar na sigawan sa baba.

Haysst!!! Ang aga aga ang iingay. 5:30 Palang kaya.

Nagtaklob muli ako ng kumot at pilit na ibinabalik ang antok ko dahil baka magmuka akong lantang gulay mamaya sa school.

Patulog na sana ako ulit pero bigla namang sumigaw si ate maggie sa baba.

Confirmed na sya nga ang maingay na babae na nakagising sakin. Pero ang ipinagtataka ko Sino naman ang sinisigawan nya ng ganito kaaga?

Inalis ko amg nakataklob na kumot saakin at dumeretso sa CR para mag toothbrush. Pagkatapos kong mag toothbrush ay dali dali akong bumaba para tignan kung sino ang inaaway ni ate sa baba.

Dipa ako nakakababa ay naririnig ko na ang matinis na sigaw ni ate maggie sa baba.

Pagkababa  ko ay nakita kong May lalakeng Inaaway si ate habang nakakunot pa ang noo nito. Hindi ko ito mamukaan dahil nakatalikod ang lalaking ito saakin.

Napatingin sa Direksyon ko si ate, Hindi ko alam pero bigla nalang akong natawa sa kanya dahil sa pagkakaalam ko sya ang nangiinis hindi sya ang naiinis. Imposible namang si kuya........

Natigilan ako Sa pagiisip ng biglang humarap ang lalaking naging dahilan ng pagkainis ni ate ngayong araw.

Nanlaki ang mga mata ko ng Makita ko ang lalakeng kaaway ni ate. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon siya padin ang dahilan ng pagkainis ni ate.

Bilib na ko sa kanya. Sya nalang ata ang makakapagpainis sa mapangasar kong ate. Hayssst. Iba talaga ang isang Mathew Angeles.

"Hi Kieve,Musta na? Tumaba ka ata"

Bumalik ako sa huwisyo ng batiin ako ni kuya Maty.

"Nahhh. Hindi ahh ang Sexy ko kaya"
Pagsagot ko sa pangaasar ni kuya sabay pout.

"Tss. Ikaw talaga joke lang, namiss kita kieve" sabi ni kuya Maty sabay gulo sa buhok ko.

"Sige na kuya aakyat muna ako para mag prepare at papasok na ako maya maya. Asarin mo muna si ate dyan. Bye maya nalang"
Pangaasar ko kay ate sabay takbo paakyat sa kwarto ko.

"KIEVEEE!!!!" rinig kong sigaw ni ate mula sa baba.

               *-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Habang naliligo ako ay may narinig akong pumasok sa kwarto ko pero binalewala kolang ito dahil baka si ate maggie lang na gustong gumanti.

Lumabas ako sa CR ng naka towel as usual dahil sanay na akong sa kwarto nagbibihis at hindi sa CR.

Napatigil ako sa paglalakad papuntang closet ko ng may makita akong isang lalake na nakaupo sa gilid ng kama ko at tinitignan ang picture frames sa table ko.

Hindi ko ito mamukaan dahil nakatalikod ito saakin. Imposibleng si Papa ito dahil iba ang katawan ng lalakeng ito kay papa.

"Hey,What are you doing here?" Nagtatakang tinanong ko ang lalakeng ito.

Bahagyang humarap ang lalaking ito na naging dahilan para makilala ko sya na ikinakunot ng noo ko.

"Drake? Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil wala naman talagang rason para puntahan nya ko sa sarili kong kwarto.

"Nothing. May pinapakuha lang ai tita akin na daw yung Power point nya na ginawa mi baka nakalimutan nya daw"
Walang emosyong sagot nito.

Yun lang naman pala pwede namang ako na ang magbigay kay mama ehh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Engaged With A Badass Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon