Prologue

12 0 0
                                    



Kapag gising sa umaga, fresh air agad ang malalanghap mo dito. Di masyadong mainit, di rin naman masyadong malamig. Maganda sa province pero hirap nga lang kumita ng pera. Malayo sa kapatagan katulad ng Maynila. Minsan napapaisip ako, bat di nalang kaya kami sa Maynila maghanap buhay? kaso naisip ko paano na itong pelanggi. Dito walang nagtataasang mga building pero maraming mga halaman nakakaganda sa ating mga mata. Para rin itong Maynila kasi pag ka gising ng umaga, kailangan kumilos na. Halos lahat ng tao dito nagtatrabaho, wala kang makikitang kalat sa paligid. Ang mga bata hindi gaanong naggagadget. Kasi lagi silang naglalaro ng patintero, di kagaya sa Maynila halos lahat ng bata doon puro gadget. Masaya dito sa Pelanggi. Kung papipiliin ako, mas pipiliin ko ito. Ngunit kailangan naming makipagsapalaran. Mahirap makakita ng trabaho dito, hindi katulad sa Maynila. Pero laban lang ng laban kahit walang kalaban.

Kapag tanghali, sama sama kaming kumakain. Para kaming magpapamilya na dito. Mainggay pero masaya. Walang gulo. Nagbibigayan, Nagtutulungan at higit sa lahat ang mga tao dito sa Pelanggi ay nagmamahalan. Hindi man kami pamilya sa dugo pero sa puso magpamilya na kami.

Pag sapit ng gabi, sobrang tahimik na. Halos mga hayop nalang na lumilipad ang naririnig. Masarap lalo ang simoy ng hangin tuwing gabi. Napaka-safe. Di ka matatakot.

Mahirap man ang buhay sa probinsiya pero busog naman kami sa pagmamahal ng bawat isa. Walang araw na hindi kami masaya, lagi mong makikita ang taong nakangiti.

*******

Paano kaya, kung isang araw nais kayong paalisin sa probinsiya niyo. Paano kung bilhin yan? Papayag ba kayo?

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now