DTS - 1

508 22 38
                                    

Ayan, showing na ang Wansa ni Bebe at tuwang-tuwa ako sa character ni Paul aka Dondi. Haha! Nagtrending sila, worldwide pa! Haha! Aliw! Anyway, ito na po ang Chapter 1 ng DTS

====

LET THE FLAMES BEGIN

===

SHYR'S POV

"Shyr Shakainah Reyes, saan ka galing kagabi?"

Nakita ko si Mamay ko na may dalang tsinelas pagkagising ko. Tama kayo, Mamay ang tawag ko sa Mama ko at Papay naman sa tatay ko . Si Papay ngayon ay  kasalukuyang nasa trabaho sa factory ng lapis kaya si Mamay na lang ang nagbabantay sa aming magkapatid. Wala naman syang trabaho kaya naman naging housewife sya

Tiningnan ko si Mamay, nakabusangot ang mukha nya. Feeling ko ay inis na inis kasi sya dahil late akong umuwi kagabi. Hindi naman kasi ako gala, bahay-school lang ako kaya naman di ko sya masisi kung mainis sya sa akin. Pero diba? Hindi ko naman kasi kasalanan kung na-kidnap ako? Ay mali! Namali pala sila ng pagkidnap sa akin. Tiningnan ko si Mamay, halatang asar na asar sya pero syempre, ipagtatanggol ko ang sarili ko. Binuksan ko ang bibig ko..

"Kasi Mamay..."

"At sasagot ka pa ha!"

Hala ! Ang abnormal ni Mamay! Tatanungin ako tapos kapag sasagot ako, magagalit? Haha, natatawa tuloy ako sa Mamay ko.

"Aba, at natatawa ka pang bata ka?" sagot ni Mamay sabay baba ng tsinelas na hawak nya. Pagkatapos ay pumuwesto sya sa gitna at nagdrama na sya "Shyr, 17 years old ka pa lang . Panganay ka pa naman tapos mawawala ka? Paano na kami ng Papay mo? Naiisip mo ba kung ano'ng mangayari kapag nawala ka? Gusto mo bang mamuhay na lang kami sa kalsada? Gusto mo bang kumain na lang kami ng basura? O gusto mo bang sa kariton na lang kami tumira?? Kawawa naman kami, wala na kaming makakain at mamamalimos na lang kami sa tabi-tabi"

At biglang lumuhod pa sya sa gitna ng sala

HALA!

EKSENA!

Naku! Best in Drama talaga ang Mamay ko. Ang OA nya ha, mawawala lang ako, sa kariton na agad titira ang pamilya ko? Nakukuha nya kakapanood ng kung ano-anong drama.

BIGYAN NG JACKET SI MAMAY!

Pero dahil sa ayaw ko naman syang awayin ay nagpasensya na lang ako . Tumingin ako sa kanya "Mamay, wag na kasi kayong OA, okay naman na ako. Saka di naman ako naglayas kagabi"

Lumiwanag ang mukha ng Mamay ko kaya naman bigla syang tumayo "Talaga? Bakit ka nawala? Ano ang nangyari sayo?"

Napabuntong-hininga ako sa kinatatayuan ako

"Kasi Mamay....

Na-kidnap po ako"

"Ha? Nakidnap ka? Talaga?" sagot sa akin ni Mamay

Tumango ako kaya naman hinawakan nya ang braso ko. Halatang nagulat ang Mamay ko kaya pinaupo nya ako. Naabutan namin yung bunso kong kapatid na si Monggol sa lamesa. Opo, Mongol Lloyd ang ang pangalan nya dahil pinaglihi raw sya sa lapis na gawa sa pabrika na pinagtratrabahuhan ni Papay at idol naman ng mga magulang ko si John Lloyd. Bumili pa nga yung mga magulang ko ng piratang DVD sa Quiapo para araw-araw na mapanood si Lloydie. Ang abnormal talaga ng mga magulang ko ano? Nakakatawa.

Umupo kami ni Mamay sa harap ni Monggol na kasalukuyang kumakain sa mga oras na yon. Tinapik ako ni Mamay sa balikat ko "Anak talaga? Pinakidnap ka? Ano yung nagyari? Pano kung hiningan ka nila ng ransom? Edi maghihirap na tayo? Tapos magkakalkal na tayo ng basura sa kanto? Tapos mawawalan pa tayo ng tinitirhan dito? Anak paano na tayo kung nagbayad ka? Edi kakain na tayo ng tira-tira? Waaah! Kawawa naman tayo Iha"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

♡ DATING THE SPENCERS ♡ (Sharcis + Paulene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon