Hi's and french fries(oneshot)

7 1 4
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is PURELY COINCIDENTAL..

(A/N: alam kong ang crappy ng story ko pero binigay ko ang best ko para sa kauna unahang one shot story ko so sana magustuhan niyo.)

Dedicated to Weapon_Number87

Joanne's POV

Nakakapagod pumunta sa paaralan. Nandoon nga ako pero palagi namang tulog. Hindi palagi,most of the time nga lang lalo na pag ang subject ay math pero wag kayong ganyan! Hindi ako bobo,top 4 nga ako eh,best in science pa. Sa katunayan sleepyhead ako pero pang Asia's Next top model naman ang ganda ko at pang Hypatia ang utak ko. Oh!oh! Wag muna kayong umangal. Story ko to! So back to reality tayo, ang normal kong buhay ay ganito-matulog sa paaralan, gigisingin ako ng beastfriend ko, kakain ng French fries at mag stalk Kay crush. Ang pangalan ng crush ko ay Caleb. Hindi kami madalas magkausap dahil ang daming mga babae na umaaligid sa kanya pero mukhang hindi naman siya interesado sa kanila pero atleast nakakachat ko siya kahit assignment lang ang tinatanong niya. Sige tatahimik na ako. Alam ko ang daldal ko!

"Hoy, bruha! Ba't ba nawala ka kanina?",inis na tanong ni Sybelle,bestfriend ko pero Syle ang tawag ko sa kanya.

" Bruha, may inutos kasi si ma'am. Malay ko ba na nawala ka sa paningin ko. Akala ko kasi iniwan mo ako kagaya nalang ng ginagawa mo madalas sa akin", sagot ko sabay humalukipkip. Hindi na kami nakapag usap pa ni Syle dahil pumasok na ang teacher namin sa journalism. Pagkatapos ng journalism ay nag ring na ang bell bilang hudyat para sa lunch. Hay! Salamat at makakatulog na din ako.

"Bruha, matutulog ka na naman ba?", tanong ni Syle.

" Oo. Kaya wag mo akong guguluhin", sabi ko at tumungo sa desk ko.

"Sige. Bahala ka. Magbabasa nalang ako ng story."

" Anong title?", tanong ko habang nakatungo parin sa desk ko.

"23 pieces. Sige, matulog kana", sagot niya at nakatulog na ako.

***

" Caleb, gising na nga!", sigaw ni Syle at dahil naalimpungatan ako, gumising na ako at nag-inat.

"Sybelle, anong pangalan ang tinawag mo sa akin?", galit na tanong ko.

" Uh, Caleb. Eh sa ayaw mong gumising eh! Kanina pa ako kagigising sayo!", inis na sagot niya. Masanay na kayo, ganyan talaga kami sa isa't-isa.

"Penge nalang ng French fries.", dagdag niya at kinuha ang plastic ng jollibee. Teka, ba't may fries sa desk ko na galing sa jollibee?

" Kanino galing yan Syle?"

"Hindi ko alam pero ayie!! May sticky note dito sa loob oh, ang sabi ay hi!", sagot niya.

" Huwag mong kainin yan!",sigaw ko sa kanya.

"Bahala ka. Sigurado naman akong walang lason to eh at ang sarap kaya nito." ,sabi niya habang ngumunguya ng fries.

"Baka mali ang pagkabigay ng taong yun. Baka hindi para sa akin yan."

"Nasa desk mo eh, edi iyo! Hindi mo sinabi na may secret admirer ka pala!", sabi ni Syle habang pinipindot ang gilid ko.

" Hoy! Akin na nga yang fries!" At hinablot ko ang fries sa kanya. Matakaw ako sa fries kaya maswerte ako ngayon dahil hindi ko na kailangan pang pumunta sa jollibee para bumili ng fries. Fav ko kasi yung fries sa jollibee dahil ang large nila ay large talaga hindi kagaya ng iba.

***

Nakauwi na ako sa bahay at nag fe-facebook habang nag s-stalk Kay Caleb nang may nag chat sa akin at galing Kay crush!!

Caleb: Anong Assignment ngayon?

Ako: gumawa ng tula sa Filipino at gawan din ito ng himig at sagutan yung math.

Caleb: yun lang ba?

Yun lang ba? Lang ba?! Eh ang hirap kaya ng assignment sa Filipino

Ako: yun lang. Gusto mo dagdagan natin? :D

Caleb: okay. TY :)

Omo! Nag sent siya ng smiley pero ang tipid naman niyang magsalita kahit thank you ay abbreviation pa. Mag re-reply pa Sana ako kaso nag out na siya. Grabe naman si crush! Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan!

***
Ibang araw na naman sa skwela at palagi paring may French fries at sticky note na hi at hi lang talaga ang sinusulat. Palagi yang nakapatong sa desk ko tuwing gigising at papasok ako. Akala ko nga prank lang yun ni Syle pero eto yung sinabi niya:

FLASHBACK

"Syle, wag ka na ngang magbiro! Tigilan mo na ako. Tigilan mo na yung prank mo!", sigaw ko Kay Syle

"Ano bang kasalanan ko sayo ha! Bakit mo ba ako sinisigawan!", pabalik-sigaw niya sa akin. Bruha nga talaga.

"Yung French fries. Alam Kong kagagawan mo yun!"

"Ouch lang ha. Ouch! You're accusing me of such stupid and childish prank? Joanne naman eh! Hindi nga ako ang nagbibigay sayo ng fries galing jollibee. Ako, bestfriend mo ay hindi mo kayang paniwalaan?! It really hurts!", sigaw niya habang may paiyak-iyak effect pa. OA ni Lola, nag English pa.

" Hoy! Sorry na. Gusto ko lang naman kasing malaman eh kung kanino galing yung French fries at yung color blue na sticky note na may nakasulat na hi." ,sabi ko sa kanya

"Baka si Caleb! Malay natin, baka may hidden desire yun sayo!" Sabi niya habang may malawak na ngiti.

"Che! Impossible yun!", sabi ko at nagkibit-balikat lang siya.

-END OF FLASHBACK-

As usual, late na naman ako dahil ang tagal Kong gumising at lahat ng estudyante ay nasa lines na nila para sa flag ceremony at dahil late ako, hindi na ako nakasali. Pagpasok ko sa room ay may nakapatong na na fries sa desk ko at nadun din si Caleb. Wait! Si Caleb??!!! Wag kang umasa Joanne baka late lang din palaloves mo.

" Joanne nakalimutan mo na may assignment din tayo sa A.P." ,bigla niyang sabi.

"Alam mo naman pala eh, eh bakit ka pa nagtanong sa akin kagabi kung ano ang mga assignment?", sabi ko. Kahit crush ko ganyan ako kataray sa kanya. Hahaha! pero what?! May assignment sa A.P.?! Bahala na si Saitama. Oo si Saitama talaga dahil ang common na ni Batman kaya Saitama nalang kasi mas pang superhero kasi ang lakas at suot niya. Hahaha! Pero ang assignment ko sa A.P. di ko nagawa. Ajujuju

" Caleb, pwede haha pwede--" sabi ko pero pinutol niya ako.

"Pwede mangopya? Kunin mo lang sa bag ko." ,sabi niya at  ngumiti ng nakakaloko. Ngumiti si crush sa akin! Kikiligin na ba ako? Pero uunahin ko muna A.P. ko. Binuksan ko ang bag niya at hinanap ang A.P notebook niya nang masagip ng mga mata ko ang pamilyar na color blue na sticky note at bago paman ako nakapag isip ay tinanong ko na siya.

"Caleb sayo ba galing ang fries at yung sticky note na may sulat na hi?", kinakabahan na ako! Putulin niyo dila ko. Ang assuming ko! Nakakahiya!

"So alam mo na pala. I'm not good in words kaya naisipan kong bigyan ka nalang araw araw ng paborito mong French fries pero I think alam mo na ibig sabihin non."seryosong sabi niya kaya napatulala nalang ako nang huminto siya sa pagsasalita pero ilang Segundo at nagsalita siya ulit.

" I like you. No, I love you rather Joanne." Sabi niya at hinigit ako palapit sa kanya at binigyan niya ako ng hug. Totoo to diba? Wala palang unrequited love dito eh dahil the feeling is mutual. Napabitiw siya sa pagyakap sa akin dahil nagsidatingan na ang mga classmates namin at binigyan niya ako ng ngiti bago siya umupo sa silya niya. And the poor me, still caught up in what he did and what he said, hindi ko na tuloy nagawa ang AP assignment ko pero okay lang yun at least alam ko na kung kanino galing yung

HI'S AND FRENCH FRIES

¶Owari¶

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi's and French Fries (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon