Dumating na ang araw ng paglalakbay nila patungong isaiah upang hamunin ang mga mandirigma ni haring leandro. Madami muna silang pinag daanan bago makarating sa isaiah. Gutom, pagod, uhaw, antok, ngawit, init at lamig. Makalipas ang halos dalawang araw na pag lalakbay, nakarating sila ng isaih at hinamon ang mga mandirigma ni haring leandro. Naganap na ang labanan at mabilis na naubos ang mga mandirigma ng anesia hanggang sa anim na mandirigma at si clarissa na lamang ang natira. Hindi sila tumigil hanggang kaya pa nila. Hindi sila sumuko na patunayan kay haring leandro ang kanilang kakayahan. At nangyare na nga ang kanilang gusto, naubos ang lahat ng mandirigma ng isaiah at si haring leandro at ang kanyang kanan kamay na lamang ang natira. Nag harap ang ma ama at nag tuos. Ngunit nabigla ang hari dahil hindi na inaasahan na magiging mas mahusay mandirigma ang kanyang anak kagaya nya. Natalo ang hari dahil nabitawan nya ang kanyang ispada at muntik ng tuluyang patayin ni clarissa ngunit naisip nya na si haring leandro parin ang kanyang ama at hindi nya mababago yun. Niyakap nya ang kanyang ama at ang kanyang ina na nakita nyang nakatayo sa gilid ng haligi ng palasyo na umiiyak. Lubos na nagpapasalamat ang kanyang ina sa panginoon dahil sa alam nyang ligtas ang kanyang unica ija. Sobra naman ang pag hingi ng tawad ni haring leandro dahil sa kanyang nagawa.
BINABASA MO ANG
Ascend
Historical FictionMaayos at maganda ang pamamalakad sa palasyo ng Isaiah dahil mayroon magaling at mabuting hari at reyna ang nnamumuno doon.. Ngunit handa ka bang pabayaan ang inyong anak kaysa sa palasyo? Upang hindi masira ang maayos at magandang pamamalagad doon...