A/N: Annyeong! First time ko po gumawa ng oneshot, sana po magustuhan nyo! Sorry for the typos....PreciousDOnuts&GirlloveMallows
****
Her POV
Hays... Inaantok pa ako...
*yawn*
Btw, ako nga pala si Aliah. Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor, medyo napaaga ung pasok ko. Ayaw ko kasing nalelate eh.
Late na din kasi akong natulog kagabi kasi tinapos ko pa ung mga homeworks ko tapos ako pala magrereport ngayon.
Pero dahil nga sa kagustuhan kong pumasok ng maaga, ito tuloy ako ngayon, mukhang zombie na naglalakad. Buti na nga lang wala pang tao.
Papasok na sana ako sa room nang biglang may tumawag sakin...
"Aliah!" -??
Nilingon ko ung tumawag at nakita ko si...
D-DALE?!?!
Naramdaman ko nanaman ung pagbilis ng tibok ng puso ko. Uwaaa!! Naninigas ako kinatatayuan ko. Ano ba yan! Feeling ko, nagpaparty ung mga paru-paro sa tyan ko.
"B-bakit?" umayos ka nga Aliah! Bakit ba nauutal ako?! ><
"Hindi i-ikaw.. Umm.. si Alliyah." sagot nya sakin sabay ngiti.
AY... Grabe! Nakakahiya naman! Di pala ako..
Tinignan ko ung tinuro nya sa likod. Nanlumo ako nung makita si Alliyah.
Kinawayan siya ni Dale tapos nagwave back naman si Alliyah.
Pumasok nalang ako sa room at umupo sa chair ko.
Hays.. Nakakahiya talaga ako. Actually, di lang isang beses nangyari to. Lage akong nalilito pag may tumatawag samin ni Alliyah. Magkatunog na magkatunog kasi ung name namin. Kaso mas nakakahiya talaga kasi si crush lang naman ung nakakita sakin.
Yep, crush ko si Dale. Isa sya sa mga sikat na boys dito sa school. Bukod sa pagiging mayaman nito, meron rin syang talento sa pagkanta. Isa yun sa mga pinakanagustuhan ko sa kanya.
Ilang taon na rin kaming magkaklase, at napakabait nya sakin-- este samin pala. Kaya nga mas lalo akong nahuhulog eh.
Caring, sweet at maalaga sya sa lahat. Kaya nga ang daming nahuhumaling sa kanya eh, at isa na ako dun..
One time nga eh, nalate ako dun sa MAPEH. Sakto namang late din si Dale, pinagtanggol nya ako sa terror naming teacher at sinabing dinamay nya lang ako kaya sya nalate.
Pero di yun naging issue sa klase namin. Malamang, ganun naman kasi talaga sya sa lahat..
Isang beses din, nakasabay ko sya sa LRT. Medyo sikipan yun kasi rush hour. Nakaupo sya nung pumasok ako. Nung nakita nya ako, ngumiti sya at pinaupo ako. Kahit na kinikilig ako, pinilit kong wag mag-assume. Ilang babae na kaya ang pinaupo nya sa LRT? Hindi lang naman ako diba?
Nagkaroon nga kami ng issue noon eh. Syempre, sino bang di-kikiligin kung ung crush mo malilink sayo?
Tinawag pa nga ako nung bestfriend ko na si Cassie nung nalaman nya yun. Alam nya na crush ko si Dale eh..
"Uwaaaaa!!! Aliah! Oh my gosh! Totoo ba?! May something daw sa inyo ni Dale?! Kyaaah! Kinilig ka naman!" sabi nya sakin habang niyuyugyog ako.
Napangiti ako nung narinig ko yun, malamang, sinong tao ba ang di matutuwa kong malalaman mong may gusto sayo crush mo diba?
"K-kanino mo nalaman yun?" nauutal kong tanong, dala na rin ata ng kaba sabay na rin nun ang kakaibang saya.
"Kay Erica!!! Sis! Gosh! Gosh!" nagpipigil syang sumigaw habang nagtatalon-talon.
Mas lalo akong napangiti. Si Erica ay matalik ko din kaibigan. Isa sya sa mga close din ni Dale at alam nya naring alam na may nararamdaman ako kay Dale.
Tatanungin ko na sana kung nasaan si Erica pero nakita ko na sya na papunta samin.
Pero bakas sa mukha nya ung pagkadismaya..
"Sis.. sorry. Akala ko kasi ikaw.." sabi nya..
Hays... sabi ko na nga ba...
Habang tumatagal... alam ko na nahuhulog na ako...
Dapat matigil ko na ito..
****
a/n: Nasa next chap po ung HIS pov. Sorryyy!!
characters:
Dale: D.O. of EXO
Aliah: Yuri of SNSD
Popost ko next week..
BINABASA MO ANG
Akala ko ako..
Teen FictionNaranasan mo nabang tawagin ung pangalan mo pero di pala ikaw yun? Kung oo, pwes bagay to sayo! PreciousDOnuts♥