His POV
"Hindi i-ikaw.. Umm.. si Alliyah." sabi ko sakanya pero di naman totoo.
Gustong kong sabihin na ikaw talaga ung tinawag ko pero...umurong ung dila ko.
"Tae ka naman insan! Imba ka! Yun na yun eh!" pagmamaktol ni Alliyah.
Tama nga ung nabasa nyo. Pinsan ko sya.. pero napagkakamalan na lovers kami.
"*sigh* Wala eh, natorpe nanaman ang insan mo." agad naman syang napayuko dun sa sinabi ko. "Insan, hanggang kailan mo pa yan itatago?" tanong nya.
"Ewan ko.."
Ako si Dale.. Sikat ako dito sa school pero di ata sakanya..
Sino sya?
Sya lang naman si Aliah. Di ung pinsan ko, ok?
Ilang taon na rin kaming magkaklase, at napakabait nya sakin-- este samin pala. Kaya nga mas lalo akong nahuhulog eh.
Di sya tulad ng ibang babae. Di sya mataray pero marunong sya pumansin at matino syang kausap. Ung tipong di ka babarahin bale na lang kung sa mga taong hindi niya kilala naku barahan na kung barahan :D. Di din sya ung tipong *ehem* sorry for the term, slut-slash-malandi. She is simple yet extraordinary. Kaya nga mas lalo akong nahuhulog ako sakanya..
Palagi ko syang tinitignan. Pero di nya napapansin..
Lagi ko syang hinihintay at sinusundan. Pero di nya ako nakikita..
Sweet at caring ako. Pero mas naging ganun ako nung dumating sya..
Lagi ko nga syang nakikita dito. Pero madalang lang kung pansinin mo ako..
Lagi nga akong napapansin ng iba. Pero namamalimos naman ako ng pansin sayo.
One time nalate ako sa MAPEH, sumakto late din sya. Muntik na syang pagalitan, pero sinabi ko na kasalanan ko. Sa kanya lang naman ako naging ganito. Ok lang na pagalitan nila ako, basta wag sya..
Nakasabay ko rin sya sa LRT. Medyo sikipan yun at wala ng maupuan. Tumayo ako para bigyan sya ng mauupuan. Di dahil sa gentleman ako, kasi gusto kong mapansin nya ako..
Pero kahit nakalapit ako sa kanya, pakiramdam ko ang layo-layo nya parin.
Magtatapat na sana ako. Kaso.. bigla syang umalis.
Malapit na akong pumasok..
Whoo~ Magtatapat na talaga ako, di na ako magpapakatorpe.
Inayos ko ung suot ko..
"Insan, ready ka na?" tumango na lamang ako sa tanong nya.
"Teka nga lang, ayusin muna nga natin ung kwelyo mo." napangiti ako habang ginagawa nya yun. Kaya close kami ni Alliyah eh, bukod sa pagiging sweet nya sa lahat, para ko na rin syang kapatid.
Medyo nawala ung kaba ko habang nakakalapit ako sa loob..
"Anubayan Insan, ang tanda mo na tapos manliligaw ka na din pero di mo kayang ayusin ung kwelyo mo. Haha!" matawa-tawang sabi nya.
"Oo na! Tss.. Tara na nga. Hahaha!" di ko namalayan na nakapasok na kami.
Pero di ko inasahan na...
*boogsh*
"S-sorry.." Aliah?
Kakausapin ko na sana sya pero agad naman syang umalis, naabutan naman namin ni Insan ung dalawang sis nya na medyo wala sa mood.
BINABASA MO ANG
Akala ko ako..
Teen FictionNaranasan mo nabang tawagin ung pangalan mo pero di pala ikaw yun? Kung oo, pwes bagay to sayo! PreciousDOnuts♥