Ako? Siya? Kami?

73 2 1
                                    

Ako? Siya? Kami?

Ako? Hindi ko naman talaga priority ang love. Madami akong mas malalaking problema keysa diyan. Problema sa school... pero mas grabe sa family. There was a time where nawalan ako ng gana, sinasabi ko sa sarili ko "Bakit pa ako nabuhay?"

"Deserving ba ako?"

"Sana iba na lang ang binigyan ng buhay keysa sakin."

"Sana mamatay na lang ako kasi wala namang kwenta ang buhay ko."

I thought of "living" as a boring routine. Parang "nakakasawa naman mabuhay". Paggising sa umaga maliligo, kakain, pupunta ng school, mag-aaral, tatawa, recess, tapos mag-aaral, tapos lunch then mag-aaral na naman then uuwi pagkatapos, kakain at matutulog. Paulit-ulit na lang.

"Wala bang bagong sched? Event na makakapagpabago sa buhay ko? Kasi nakakasawa na talaga."

There was even a time where i think of suicide as a solution... but there's a person who stopped me.

GOD

Kilala natin siyang lahat. Alam niyo ba... na sa lahat ng taong nakakasama ko araw-araw Siya lang ang nakaintindi sa akin ng mabuti? Alam niya ang lahat sa akin. Ang buhay ko, ang nararamdaman ko, ang sakit na nandito sa puso ko, ang lungkot, lahat na... iniisip ko nga kung nagsawa na kaya Siya sa akin? Sana hindi kasi kung Wala siya? Ewan ko kung saan ako pupulutin. 

Im alone... yes i have my friends pero paano kung kagaya mo ako? Ako na mahiyain pagdating sa pagshe-share ng problems?Ako na ayaw ipagsabi sa karamihan kung ano ang nararamdaman kong sakit lalo na when it comes to family. 

Wala akong maka-usap na estranghero... kung saan pwede kong ipaglabas ang nararamdaman ko dahil hindi naman niya ako kilala. Sawa na akong masaktan, umiyak, tumawa ng peke kahit naiiyak na... pero anong magagawa ko? Hindi ako nagbigay ng buhay sa sarili ko kung hindi si GOD. Siya lang ang may karapatang kunin o ibalik ito sa isang tao.

De bale hihintayin ko na lang.

Pero hindi ko inakala na sa paghihintay kong mawala sa mundo... makakahanap ako ng isang taong makakapagbigay sa akin ng ganang manatili kahit kaunting panahon lang. Inaamin ko... hindi ko siya type noon, o naisipan man lang magkagusto sa kanya. Sino ba naman siya para magustuhan? Isa siya sa mga kaibigan ko. Ayoko kasing taluhin ang kaibigan ko pero naisip ko lang na hindi naman pala ganun ka sama at mapipigilan kapag puso na ang nagsabi.

Habang tumatagal... parang ayaw ko nang mawala sa mundong ito. Na-realize ko lang na... hindi dahil sa may problema ka "pagpapakamatay" kaagad ang solusyon. Pero hindi porke't ni-reject ka ng isang tao, ire-reject ka na rin ng lahat. Pero sa tingin ko nagkamali na naman ako. Bakit? Kasi umaasa ako. Nag-a-assume akong may gusto din siya sa akin. Nakakainis ang ganitong pakiramdam. Ang pakiramdam ng kapag nalaman mong may nagugustuhan siyang babae, ang sarili mo na agad ang naiisip mo. Ang gaga ko lang. Pero sana nga.

Lumipas ang mga panahong mas lumalim ang nararamdaman ko. He became my best friend. And you know what? Kinukwento niya sa akin ang crush niya daw. Hindi ako nasasaktan... dahil nag-a-assume akong ako iyun. Iniisip ko na lang, na sa ganitong paraan kahit papaano nabibigyan ako ng rason kung bakit kailangan kong mabuhay. Kung gaano kasaya mabuhay.

Akala ko na may kami na pero katulad lang rin pala siya ng pamilya ko. Sasaktan lang ako. Katulad lang pala siya ng pamilya ko, papaasahin ako. Pero bakit ganun? Kahit ganun ang ginawa niya sa akin... mahal ko parin siya?

"Best friend, nililigawan ko na ang crush ko." one time, sinabi niya sa akin iyan. Pero this time hind na ako nag-a-assume na ako iyun.

"K-kailan pa?"

"Ay hindi ko pala nasabi, kahapon pa. Magde-date nga kami ngayon eh, sorry kung hindi ako makakasabay sa iyo sa lunch ha?"

Gusto ko sabihing ayoko, gusto kong sabihin na sana ako na lang, na sana ako na lang ang samahan niya, pero sino nga ba naman ako sa kanya para piliin over his crush?

Ako? Siya? Kami?--mali, walang kami. Ako lang at simpleng nararamdaman ko sa kanya. Ganun lang iyun, wala ng iba. Minsan--hindi, palagi palang masamang mag assume. 

Pero ngayon? Ano nga ba ako ngayon? Isang matandang dalaga... nag-aalaga ng mga bata sa kanto. Masaya naman ang buhay kahit hanggang ngayon, dala-dala ko parin ang pakiramdam kong "asa".

Ako? Siya? Kami?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon