Introduction

23 1 0
                                    

QUELVIN

Mahirap magmahal ng taong hindi mo naman talaga gusto


Pero mas mahirap magdalawang isip kung totoong mahal ka ba ng taong gusto mo


Mahirap isipin na sa dinami dami ng taong nandyan para sayo dun ka pa mapupunta sa taong di naman karapat dapat sa salitang kayo


Dancer ako. At hindi maikakailang sikat ako, di naman sa pagmamayabang pero umaabot ng 250+ yung likers ko in just 30minutes.

Marami ding nanliligaw.

Gwapo. Chinito. Matangkad. Mabait. Sweet.

Name it. Kahit anong gusto nyo sa lalaki may nanliligaw saking ganyan.

Pero bakit ganun?

Sa dinami-dami ng mga biyayang ito, naghihintay pa rin ako sa basurerong tinapon lang ako.

Ano bang dapat kong gawin?

Ano bang dapat kong isipin?

Kelan ko ba sya lilimutin?

-----

STEPHEN

Gusto ko syang gustuhin. Gusto ko syang mahalin

Pero bakit kahit anong pilit ko di ko pa rin kayang gawin.

Sikat sya. Sikat ako
Perfect match sa bokabularyo namin yung tayo

Pero . Isa akong gago.

Di ko sya kayang mahalin

Para sakin ang dali nyang limutin


Pero sana pag dumating yung araw na kaya ko na syang gustuhin.


Sana pag dumating yung araw na handa ko ng ibigay lahat sa kanya.

Sana pag dumating yung araw na kaya at handa ko ng ibalik lahat ng naibibigay nya

Sana hindi pa maging huli ang lahat.


Sana ako pa rin ang gusto nya

Sana nandyan pa rin sya.

-----

Love At First ChatWhere stories live. Discover now