SABRINAZE
"Ano ba kasing bibilhin mo girl ee. Naudlot pa tuloy panlilibre ni kuya sa sine"
Bulyaw ko dito sa babaeng kanina pa ako dinadala sa kung saan. Wengyang lipstick yun ang hirap palang hanapin.
If I know na mag ta-talong sakay kami, hindi na ako sumama. Sayang din libre sine noh?
"Yung lipstick ngang hati! Ang pretty kaya! Napanuod ko lang sa kdrama yun e"
Aba't hindi pala to sure kung meron nga dito?
"So hindi mo alam kung meron dito?"
Napatango na lang sya. "Nagugutom ako"
Napailing na lang ako. Pasalamat to kaibigan ko sya for 4 years kung hindi iiwanan ko tong luhaan.
"Saan tayo kakain?"
Hindi nya ako sinagot at patuloy sa magpindot sa cellphone.
Bwisit na to ayaw pa akong pansinin! Iwan ko kaya to?
"Iwan kaya kita?"
Tumingin sya agad sa gulat. "Wag kang magbibiro ng ganyan girl.. Hindi yan maganda. No, no."
"Kasi usong sumagot" "Sandali nag google pa ako"
"I goo-google mo talaga itong loob ng mall?"
Napangisi ito at nagpatuloy.
"Ayun! Samgyeop Korean Restaurant tayo!"
I looked at her in disbelief. Myghawd! "Hindi ka naman kumakain ng korean foods ah"
"People change." at nauna na syang maglakad
Habang ang magandang ako at sumunod na lang. Mahirap makipagtalo sa hindi mo kalevel ng kaganda.
As in. D.U.H.H.H.H.H
Makalipas pa ng ilang minuto ay nakita na rin namin yung korean resto.
Tekaaa.. Hindi. Hindi naman siguro sya yun.
Please sana hindi sya yun. Hindi ko sya kayang harapin.
Nakatalikod pa naman kaya sure akong hindi sya yun.
Pero bestfriend ko sya, kilala ko ang bawat anggulo nya
Pero hindi. Tumuloy na nga lang
I crossed my fingers.
Sana hindi sya. Sana hindi ang bestfriend ko.
Sana hindi yung taong pinagparaya ko.
----------
QUELVIN
Sinenyasan ko si Iza na mag c-cr lang kami habang nago-order si Steph at mag-isa lang si Sab at Julian.
"Kaloka. Ramdam mo yung panlalamig?"
Bungad ko nang makapasok kami sa comfort room
Totoo naman kasi. Nagkabanggaan pa nga silang dalawa nung paupo na kaya mas naramdaman namin na hindi sila kumportable.
Pucha kupido na rin pala ako ngayon.
Too fame for cupid.Teka nga mamaya na ako mag lilitanya may nagnanakaw na ng make up ko eh
"Teh?"
Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Pero nagpatuloy lang sya "Huy! Si Sab yung ginagawan natin ng lovelife kaya wag ka ng mag ayos"
Natahimik na lang sya.
"Balik na tayo?"
"Tagalan pa natin. Pustahan tayo nagkaka-ilangan pa rin yung dalawang yun ngayon. Kailangan nila ng oras para mas mag-usap"
I crossed arms "At paano tayo kakain?"
"Kalma. May naisip ako"
Biglang naglakad si Iza pahabol dun sa waitress na babaeng kakalabas lang sa isang cubicle.
Hindi ko na nga sya susundan
Maya maya pa'y may naramdaman akong babaeng papasok dito sa comfort room kaya naman napakaripas ako papasok sa isang cubicle.
Whew!
Teka nga, bakit ba ako nagtata-- "Kaya ko to. Kaya ko to."
"Just act. Alam naman nya naka move on ka na. Ituloy tuloy mo lang."
Napahinto ako sa pag iisip nang nakarinig ako ng pamilyar na salita.
Inumang ko ng kaunti ang pinto at nalaman kong tama nga yung iniisip ko.
"Oo tama.. Perooo.. Alexissss.. Bakit ang tanga tanga mo pa rin. Wag na please?"
Si Sab. Pero?
Bakit sya umiiyak?
Myghwaddd! Nagpaikot-ikot ako dito sa loob ng cubicle habang naririnig ko pa rin ang pagkalma ni Sab sa luhaan nyang sarili.
Mali ba yung ginawa ko?
Palabas na sana ako ng cubicle na on cue ay lumabas na din sya.
Gosh! Ano yun?
"Quelv!"
Halos mapatalon ako nang may marinig akong matinis na boses na tumawag. Hinarap ko sya
I gave her a questioning look dahil sa dalawa nyang dalawang bucket ng manok?
Balak nya bang magtayo ng chicken station?
"Ano yan?"
"Tara na.. I texted Sab sabi ko masama pakiramdam ni Stephen kaya mauuna na tayo."
Binatukan ko nga. "I heard Sab kanina. She's not good Iza"
"Akala mo lang yun. Kaya ni Sab yan. Kilala ko yun, nasasaktan man sya ngayon kay Julian pero kay Julian din naman sya totoong sumasaya. Tsaka gurl, nag iisip ka ba?"
Aba loko to ah!
"Mag bestfriend sila ng mas matagal satin. Of course kilalang kilala na sya ni Juliam at alam nun kung hindi okay si Sab. "
"Pero be--" "Hayaan mo na sila ate. May lovelife ka naman"
Okay shut up na ko ❤
YOU ARE READING
Love At First Chat
No FicciónAng boring daw pag sa chat lang nagkakilala. Kesyo long distance, kesyo di daw totoong love yun kasi chat lang, kesyo di mo naman daw talaga kilala yun, kesyo kaya namang sabihing mahal ka nya kasi chat lang naman. Lecheng kesyo yan! di na naubos...