L.O.A.L

15 0 0
                                    

I love barbies.

I do really love barbies.

Pero bawal. Hindi pwede.

Kasi nga "Lesbian" ako.

Kasi nag aala- "Lesbian ako" para sa kanya.

-x-

"Nag-uusap kayo ng ganyan may babae tayong kasama."

"Tangina mo pre. Babae ba yan? Mas lalaki pa nga yan sayo eh! Ano bang masamang espiritu ang pumalibot sayo?"

Eto nanaman tayo

Lumingon ako ng nakangisi sa orasan ko

Ang bilis naman ng oras 10:30 na agad

"Uwi na ko. "

Tumayo ako at nagsimulang maglakad

"Emily! Sabay na tayo!"

"Damn pare! M nga lang? Ang chekwa amp!"

"Hahaha. Baliw ka. Pangalan mo yun."

Binatukan ko nga. Mapilit amputa

Inakbayan ako ni Dwight.

Pinalis ko naman agad ito kahit na ang totoo eh gustong gusto ko

"Oh! Kinakapa ko lang kung may bra ka."

I raised my middle finger! Aba'y g*go to ah!

"Joke lang. Eto naman. Pero eto seryoso."

Napatingin ako sa kanya.

"Bakit nag b-bra ka pa eh wala naman?"

Sinikmuraan ko sya

Shetttt yung abs nya!!

"Eh ikaw? Bat nag b-brief ka pa eh wala din naman?"

Boom basag!

Nauna syang naglakad .. Pikon si loko

"Tamo to, ang pikon. Bakla kasi"

Lumingon sya at inakbayan ako

"Deym! Ako? *turo sa sarili* Ako na si Dwight Kenneth Anderson ay isang bakla? Nako baka mag iyakan ang mga babae"

"Yabang mo. "

"Oo cute ako."

Nauna na akong sumakay ng jeep para di na nya mapansing namumula ang mga pisngi ko .

Laging ganyan ang set up. Nagmumura at nagtatapang-tapangan ako. Bad girl ba. Minsan nga nambabastos pa ko ng babae at sinasabing gusto sila. Para hindi sya magkaisip ng hindi talaga ako ganito.

Pagkauwing pagkauwi ko sakto namang may text bigla sakin.

I opened two messages galing sa kanya

Life Of A LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon