PROLOGUE

853 10 0
                                    

             
      Iba't ibang kulay ng mga ilaw ang nasa paligid ko ngayon, ang ganda sa paningin, habang pinagmamasdan ang magandang paligid ako naman ay naghihintay sa babaeng aking pinapangarap, anh babaeng pinaka maganda para sa akin, ang babaeng gusto Kong makasama habang buhay, ang babaeng-----

"Lily babes?" Nawala ako sa aking iniisip ng makita ko na ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Abot tenga ang aking ngiti dahil ngayon ay sya nang nasa aking harapan.

     Ngiti lamang ang sukli nya sa akin, ang matatamis nyang ngiti. Tinitigan ko ang kanyang mata habang palapit ako ng palapit sakanya, Unti unti kong nilalapit ang aking mukha sa kanya, palapit ng palait, hanggang sa.........

"Langya naman Emi! Bakit mo ko binuhusan ng malamig na tubig?!" Singhal ko sa kapatid Kong si Emi, sayang eh! Yun na yun eh! Mahahalikan ko na si Lily babes ko eh. Epal talaga to.

"Langya ka din! Kanina pa po kasi kita ginigising! Nyeta. Wala na! Late na ko." At nagpapadyak na sya pababa. Psh. Yung batang yun talaga. Napailing nalang ako sa inasta ng kapatid ko.

   Bumangon na ako at nag ayos, baka mamaya bungangaan nanaman ako ng magaling kong kapatid.

    Pababa pa lang ako ng hagdan sinalubong na agad ako ng bunganga ng magaling kong kapatid.

"Baka gusto mo namang bilisan noh?!" Inis na inis na talaga sya. Pfft. Kahit kelan talaga tong babaeng to.

"Easy ka lang lil sis. Eto na nga oh, aga aga high blood ka agad eh."

"AISH!" Badtrip na talaga sya.

"Kakain pa ko eh" Di pa kaya ko kumakain. Tss.

"PUNYETA! BAKIT BA KASI LATE KA NANAMAN GUMISING HA?!" sigaw nya. Minsan talaga naisip ko na baka buntis to eh.

"Lil sis.."

"OH ANO?!"

"Buntis ka ba?"

"ANO?! ANONG BUNTIS?!" Napatampal sya sa kanyang noo.

"Eh kase-"

"BAHALA KA SA BUHAY MO! MAUUNA NA KO! BYE!" at padabog syang umalis.

"Aba't-" dali dali ko ng kinuha ang bag ko at sinundan sya.


        Pero bago ang lahat, ako nga pala si  Khenji Kim. Khen for short, 17 years old. Senior high pa lang ako. Oh ayun na? Nakapag pakilala na ko--- Teka! May nakalimutan akong sabihin sainyo, ako lang din naman ang pinaka GWAPO sa lahat ng senior, sa totoo lang pati rin ata sa mga junior. Kaya maraming babaeng nagka kagusto sakin eh. Pero isa lang talaga yung babae para sakin, si Lily babes ko. Pero hanggang pangarap lang yun. Tss. Kilala nyo na ko? Sige balik tayo sa dati.

"EMI! TEKA HINTAYIN MOKO!"

"Bilisan mo -,-" psh. Sumakay na lang ako sa backseat. Sungit.

The Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon