i

992 18 11
                                    

Lisa's POV



It's 11:11 and I know I'm not over you.




Alam kong isa nanamang gabi to na walang tulog. Alam kong isa nanamang gabi to na puno ng luha. Alam kong isa nanamang gabi to na paulit-ulit kong ibubulong ang pangalan mo. Alam kong isa nanamang gabi to na ikaw at ikaw lang ang iisipin ko, na ikaw lang ang titibukan nitong puso ko.

Matagal ka ng wala sakin. Matagal na simula nung hindi na kita pwedeng tawaging 'Akin'. Matagal na,  hanggang ngayon hindi ko padin tanggap. Hanggang ngayon ikaw padin at walang iba. Hanggang ngayon mahal padin kita.

Paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko kung bakit mahal padin kita. Paulit-ulit kong itinatanong sa sarili kung bakit di kita makalimutan. Paulit-ulit nalang ako. Paulit-ulit lang lahat ng sakit at lahat ng tanong.

Ano bang ginawa mo sakin? Ano bang mahika ang ibinalot mo sakin? Ano bang nangyari sakin? Kim Jisoo, ikaw lang ang nakakaalam ng sagot sa lahat ng tanong ko, pero ikaw din ang dahilan kung bakit meron ako ng mga tanong na ito.

Eto nanaman ako. Nakahiga sa kama ko, nakabalot ng kumot, at umiiyak. Naaawa na ako sa unan ko kasi ito lagi ang sumasalo sa mga luha ko. Nababaliw na din siguro ako, isipin ko ba namang ikaw itong kumot na yumayakap saakin. Nababaliw na talaga ko, iniisip ko din kasi na ikaw itong unan na nagpapahid ng mga luha kong patuloy na umaagos. Nababaliw na talaga ko dahil iniisip ko padin na nandito ka pa.

Nababaliw nga ba ko o sadyang nagpapakatanga lang? Ang tanga ko dahil nagbubulagbulagan ako. Ang tanga ko dahil nagpapanggap ako na akin ka padin, na ako padin at ikaw ang para sa isa't-isa. Ang tanga ko dahil naniniwala padin ako na balang araw babalik ka sa mga yakap at halik ko, na balang araw sasabihin mo ulit na mahal mo ko, na balang araw tayo padin.

Hanggang 'balang araw' nalang ako. Hanggang panaginip nalang na mayayakap pa kita ulit, hanggang ilusyon nalang na muli ko pang matitikman ang matatamis mong labi, hanggang pangarap nalang na matitigan ko ang mga kumikinang mong mga mata, masakit isipin na hindi ko na muling mahahawakan ang mga kamay mo.

Ano bang dapat kong gawin Kim Jisoo? Bakit, bakit parang hindi ako sanay sabihin ang buong pangalan mo? Bakit parang ang bigat sa loob kong bigkasin ang buong pangalan mo? Dahil ba masakit padin sakin ang lahat ng ito o dahil mas gusto kong tinatawag ka sa ngalang, 'Babe', 'Baby', 'Honey'? Nakakatawang nakakakilig ang mga tawag ko sayo sabi mo. Pero isa lang talaga ang pangalan na gustong itawag sayo, yun ay ang 'akin', pangalan na kailanman ay hinding hindi ko na maitatawag pa sayo.

Tangina lang. Sorry nagmura ako, alam ko namang ayaw na ayaw mong may nagsasabi ng mura, pero kasi yun yung mga salitang sumasalamin sa mga nararamdaman ko ngayon. Yun yung mga salitang nabibigkas ko tuwing maiisip kong wala ka na talaga sakin.

Madalas kapag mag-isa lang ako, tulad ngayon, naaalala ko yung mga masasayang pangyayari sa buhay natin. Naalala mo ba yung nagising ka nalang na meron ng McDo sa kama mo? May muta at panis na laway ka pa nun pero yumakap ka agad sakin at humalik sa pisngi ko. Nandiri ba ko? Syempre hindi, nagandahan pa nga ko sayo nun eh. Sa totoo lang, in times that you think you're not beautiful are the same times when I think when you're most beautiful. Naalala mo din ba yung naiinis ka na sa mga tao sa paligid kasi nakatingin silang lahat sayo? Hindi ko kasi sinabi sayo na puro chocolate gilid ng labi mo, yan kasi ang kalat mong kumain ng ice cream. Ako pa tuloy yung pinalo-palo mo, ang brutal mo talaga. Naalala mo din ba nung nagcucuddle tayo sa kama kapag pumupunta ka sa bahay namin? Nung una kilitian lang at ikaw ang biktima tapos nung napagod tayo natulog tayong magkayakap, sleepover ka saamin noon. Naalala mo ba nung pinagkwento mo ako tungkol sa pamilya ko? Naiyak ka ng malamang patay na ang nanay ko at may kasama ng iba ang tatay ko kaya kila lola at lolo ako nakatira. Cute mo nun umiyak at pinapatahan kita kaya niyakap kita. Naalala mo ba lahat ng yun? Siguro hindi na, pero ako? Malinaw na malinaw pa sakin lahat yun. Kahit ang mga pinakamaliliit na detalye naalala ko padin.

11:11 ; LiSooWhere stories live. Discover now