Sparks of Summer Love (prologue)My First love

170 4 3
                                    

“ Sparks of Summer Love”

By: Erikalovespark

Authors note:

            Well hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit naisipan kong magsulat ng mga stories, pero I think nainspire ako ng sobra sa mga ibang authors na napakagaling sumulat. Feeling ko nga matatawa yung mga friends ko kapag nalaman nilang nagsulat ako ditto sa wattpad. Anyways I want to dedicate this story to my bestfriends, friends and to my first love.

-Dapat ba sabihin ko din na i-vote to and magcomment kayo haha. Bahala kayo kung magustuhan nyo i-vote nyo nalang and be a fan.. Salamat ng marami.

Prologue

My First love

Summer’s POV

“Ilang beses na rin akong nainlove, nasaktan, at lumuha ng dugo (exagss) dahil sa tinatawag nilang pag-ibig”. Isang maikling salita pero makahulugan at hanggang ngayon ni hindi ko alam kung ano ang tunay na pag-ibig. Marahil nagtataka kayo kung bakit nasabi ko na nasaktan ako at lumuha ng dugo, joke lang yon haha. Isa lang ito sa mga linyang aking nababasa sa mga love stories na kinagigiliwan ko,pero wala pa ding tatalo sa lovestory ng buhay ko( Oo mayroon din akong lovestory kayo naman haha),walang katiyakan pero may munting pag-asa pa rin na namumuo sa aking puso na balang araw magkikita pa rin kami.

(9 years ago…..)

Ilang taon na rin ang nakalilipas…..

“ Mama,mama..huhuhu nawawala ako mama.Tulong-tulong”

 Summer vacation noon, nung pumunta kami sa beach resort na pinagtatrabahuhan ng tita ko sa Zambales dahil 7 years old palang ako noon at curious sa paligid naglakad-lakad ako para masilayan ang karagatan, ngunit napaiyak nalang ako ng malaman ko na nawawala ako at hindi ko na alam ang daan pauwi.Iyak ako ng iyak.

“ mama huhuhu”,

 Nagulat nalang ako ng may isang batang lalaki na lumapit sa akin.

Nakasuot siya ng asul na t-shirt at puti na short at kapansin-pansin din sa kanya yung necklace nya na may pendant na parang padlock napakaganda talaga nito at may nakauikit na pangalan ngunit di ko maaninag dahil sa basa kong mga mata.

“ Bata anong ginagawa mo sa villa namin, maggagabi na baka hinahanap ka na ng nanay mo” nagulat ako at napatingin sa kanya.

“ (sniff) ah nawawala kasi ako di ko alam pauwi sa amin” sabi ko naman

“ Naku e pano ka nakapunta dito” sabi nya

“ Malay ko ba, sa tingin mo ba iiyak ako kung alam ko pauwi” sabi ko at nilakasan ko pa ang iyak ko.

“ katakot ka naman umiyak, ang pangit mo na tuloy” sabi nung batang lalaki, sa totoo lang napakacute nya.

“ makalait ka wagas” sabi ko

“ wag ka nang umiyak” inabutan ako ng panyo. “ halika ipapahatid nalang kita kay Daddy  at sasama na rin ako” lalo pa kong napaiyak pagkatapos nyang sabihin yon at ipinahid sa aking namamagang mga mata ang pagkabango- bangong panyong iniabot nya.

“ Natatakot ako” sabi ko sa mahinang boses

“ wag kang mag-alala kapag kasama mo ko walang masamang mangyayari sa iyo, I will always protect you” napahinto ako pagkatapos nyang sabihin yon.

“ I will always protect you”

“ I will always protect you”

“ I will always protect you”

Paulit-ulit itong bumabalik sa isip ko.

Inihatid nga nila ako sa beach resort, sa totoo lang masasabi ko na napakayaman nila sa kotse palang o diba?. Napakabait pa ng Daddy nya at mukhang artista.

Nakita ko ang mama ko na patakbong papalapit sa akin.

“Anak, nakung bata ka san ka ba nagsuot ha. Kanina ka pa namin hinahanap akala ko may masama ng nangyari sa iyo” sabi ng mama ko na alalang alala sa akin at halos umiiyak na.

“ Mama naglibot po kasi ako tapos paglingon ko po di ko na alam kung nasaan ako, mama sila po yung naghatid sa akin” sabi ko at tinuro ko nga sila.

“ ah naku maraming maraming salamat po sa paghahatid nyo sa anak ko tatanawin ko po itong malaking utang na loob ,maraming salamat po talaga” maluha-luhang sabi ng mama ko.

“ naku wala pong anuman iyon, ginawa lang po namin ang dapat gawin” sabi ng daddy nung batang lalaki.

Pansin ko lang ay kanina pa  nakatitig sa akin yung batang lalaki, napakaganda ng kanyang mga mata kulay asul ang mga ito na nagniningning lalo na kapag natamaan ng sikat ng buwan. Tila isang asul na bituin sa langit.

“ pumasok po muna kayo at ng makapaghapunan”, sabi ni mama na nagpupunas ng kanyang luha.

“ Ay hindi na po maraming salamat Kailangan na din po naming umalis babalik na po kasi kami sa Manila ngayong gabi, pasensya na po kayo” sabi ng Daddy nya.

“ ah ganun po ba, maraming salamat po talaga sa paghatid nyo sa kanya” sabi ni mama.

“ Aalis na po kami, walang  anuman po” at sumakay na sila sa sasakyan ngunit bago yun narinig kong sumigaw yung batang lalaki na…

“ Oy, bata itago mo yan ha,..” at paalis na yung sasakyan nang nakita kong inilaglag nya ang isang gintong susi. Sumigaw ako ….

“bakit?”

“ basta” yun ang sabi nya habang nakangiti.

“ anong pangalan mo?” Pasigaw kong sabi,

“ Jaiiiiiiii……………..” iyon na lamang ang narinig ko dahil nakaliko na iyong sasakyan sa kanto at pinulot ko yung gintong susi.

“ ano daw itago ko, bakit naman?” At narinig ko nalang ang tawag ng mama ko na

“ Summer, anak pumasok ka na”,

“ Opo mama,nandyan na po” habang patakbo akong papasok sa loob ng bahay.

Itatago ko itong susing ito gaya ng sinabi mo, Jaiiii….kahit hindi ko alam ang kumpletong pangalan mo. Napatingin ako sa kabila kong kamay hawak- hawak ko pa rin pala yung panyo na inabot nya sa akin my letters na nakalagay initials nya siguro “ N.J”. Sana magkita tayong muli. Siya ang first love ko ang unang nagpatibok nito.Sabay turo sa puso ko.

Napakabata ko pa pero may nagmamay-ari na ng puso ko. Walang katiyakan pero alam ko may pag-asa na magkita kaming muli.

-_____________________________________________________________________________

Authors note: ay kinilig naman ako haha..Habang sinisulat ko to natatawa ako nakuha ko kasi yung pangalan ng lalaki dun sa old crush ko bago ko naging crush si Pioneer.Wahaha..

Matatawa lahat yung kakilala ko for sure..

Maraming slamat pos a mga nagbasa..

Vote and comment naman po kayo.

You know I love you guys like I love sparkles. Let the sparks fly..<3

Sparks of Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon