Chapter 3: Meeting him in the rain,
Hello readers! I’m very sorry because I am always late in updating my story. Medyo busy kasi sa school eh. But, because I love you; I will update 3 chapters this weekend haha… HAPPY!
I just want to tell you a story about one of my friends. She can’t keep her eyes off from the phone. Why? WATTPAd. She’s always reading. Here is the story.
One day, dahil maaga pasok namin at nagbabasa siya ng wattpad may nangyaring nakakatawa. So supposedly, yung classroom namin eh sa 3rd floor. Pero dahil sobrang focus nya sa binabasa nya,,,ayun nakarating siya ng fourth floor ng di nya namamalayan. Haha ang saya ..
So I want to dedicate this story to Icel Millicent Tuya, the 4th floor girl.
Ayan na…
Eto na yung Chapter 3 enjoy guys.. vote and comment naman para masaya..haha
I love you….
PM nyo ko kung gusto nyo ng dedication salamat.
Summer’s POV
(Part time job)
“ P 350 ma’am here is your change. Thank you come again”, nasa part time ako ngayon at kasalukuyang nasa cashier section.
“ Thank you din”, sabi ng customer.
Everyday after ng class ko, dumidiretso na ako sa aking part time job. My part time job was one of the reasons why I survive in that school up till now. Nagpapart time ako sa isang cake and ice cream store, medyo malapit na rin sa school. Halos tatlong taon narin akong nagwowork dito kaya kilalang kilala na ako ng may-ari na si Ate Lea.Si Ate Lea nga pala ang isa sa mga anghel na tao sa buhay ko. Itinuturing nya kasi ako na kapatid nya, wala pa kasi siyang sariling pamilya, hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi siya nagkakaboyfriend at nag-aasawa, maganda siya, mabait, maalagain at mapagmahal. Sa katunayan halos lahat na ng katangian ng isang babae na hinahanap ng mga lalaki ay nasa kanya na. Ang kwento nya sa akin hindi pa rin nya nakikita ang talagang magpapatibok ng heart nya. Naku naman si Ate Lea choosy pa siya, gusto ko ngang sabihin sa kanya na hindi na panahon ni Maria Clara, panahon na ni Marina.
Lumapit sa akin si ate Lea.
“ Sum”, tawag nya sa akin short for Summer.
“ ano po ate?”, sabi ko naman.
“ Magsara na tayo kasi wala na rin namang dumarating na mga customer, isa pa mukhang uulan baka abutan ka at malayo layo pa ang bahay mo dito”, sabi nya akin habang winawagayway ang kanyang kamay upang matawag ang atensiyon ni Shara.
Si Shara nga pala ang isa rin sa matalik kong kaibigan, pareho kaming nagpapart time job,upang matustusan din ang pag-aaral . Pumapasok siya sa public school siguro mga 6 na kanto ang layo sa store. Minsan nga tinatanong nya ako kung bakit pinagtyatyagaan kong mag-aral sa private school kung saan to the highest level ang mga estudyante,pero lagi ko nalang na sinasabi na yun ang gusto ni mama at papa.
“ ano po ate?”- shara
“tayo nang mag-ayos at wala na rin namang mga customer”- ate Lea
“ pero ate wala pa pong 8 pm ,hindi pa po tapos yung time ng trabaho namin” sabat ko naman.
“ naku kayo talaga. Wag nyo nang alalahanin yung oras na yan. Para naman na iba kayo sa akin. Sige magligpit na tayo at parang uulan”- Ate Lea.
“tara na Shane”, tawag naman sa akin ni Shara.
At ayun nagligpit na kami ng mga stocks. Nilagay sa ref. yung mga nakadisplay na cake, etc. Sandali lang naman kaming nagligpit dahil binilisan namin, nasisense kasi ni ate lea na uulan.