“ Uii Zy gising na tulog mantika ka na naman ” tsskk.sino ba itong nagsasalitang ito kaasar bulabugin ba naman tulog ko minulat ko na ang aking mga mata nakatulog pala ako pagdilat ko si stell lang pala kala ko kung sino
“ Oh stell san na tayo ” tanong ko kay stell
Agad naman siyang sumagot “ Andito na tayo tara baba na tayo andun na rin yung iba ”
“ Ganun cge tara na ” bumaba na kami ni stell pero pagbaba namin grabe ang ingay pero dalawa lang naman pala sila naguusap at aba kumpulan pa ano ito artista ba itong dalawang ito nakita ko naman si Ethan na may kausap na babae pero kilala ko yun ee.. Si Bubbles yun ee.. Tsskk..kahit kailan talaga pilitin talaga ang taong ayaw sayo
“ Ano ba naman Ethan ano ba kasi problema mo ” tanong ni bubbles sa kanya
“ Ikaw ikaw problema ko bubbles napakulit mo ” sagot naman ni Ethan na halatang halatang iritang irita na pinagmamasadan ko lang silang dalawa na magbangayan habang nakacross arms nakita ko naman sila kuya Ian na tawa ng tawa pati si nathan hindi man lang tulungan tropa nila tawa pa sila ng tawa
“ Wala kang magagawa Ethan hindi kita lalayuan ” sabi na naman ni bubbles nakakairita na ito nagiiskandalo ba siya
“ Pwede ba bubbles may gf ako kaya tigilan mo ako ” sagot naman ni ethan
“ Gf mo mukha mo ethan ipakita mo muna yang gf mong ng maniwala ako ” sabat naman ni bubbles
Nakita ko naman si ethan na napakamot ang ulo at napabuntong hininga na lang tsskk ... Pasalamat siya at mabait ako kaasar
“ Hayy ingay niyo ” sigaw ko nakatingin naman sila sakin sabi kong ayoko ng attention ee..huminto naman sila ethan at bubbles na nakatingin sakin
“ Hoy ikaw ” turo ko kay ethan “ Lakas ng loob mo iwanan ako doon tapos makikita kita dito na nakikipagusap sa isang palakang ito tsskk..Ipagpapalit mo na lang ako dito pa pumili ka naman ng mas maganda sakin ” sabi ko halatang gulat na gulat siya kaya pinanlakihan ko na lang siya ng mata at mukhang gets na niya
“ Hala sorry mukha kasing masarap tulog mo kaya iniwan muna kita ” sagot naman ni ethan yung itsura ni bubbles hindi maipinta ee .. Mukhang nagtataka kaya hinarap ko siya
YOU ARE READING
Cactus University
Teen FictionMystery / Thrill / TeenFiction Ang storyang ito ay tungkol sa isang babae na ang pangalan ay Catherine Zyrielle isa siyang matapang na babae malagangster kung baga tinaguriang princess Gangster ,Mayaman ,maganda , mabait sa mabait pero mahirap kala...