Present day March 1, 2014
Hanggang ngayon ay hindi pa din nakikita ng magulang ni jacob ang kanyang doktor. Binalikan muli nila ang ospital na abandunado. Hanggang ngayon ay nag hahanap pa din sila ng record ng doktor na naka assign kay Jacob. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila mahanap. Lahat ng mga nakita nilang record pinuntahan nila yung mga address na iyon ngunit wala din daw silang nakalap na inpormasyon. Gabi ng pumunta sila sa abandunadong ospital.
"Aya! Hindi pa ba tayo titigil kakahanap sa doktor na yun?" Mark
"Mark gusto kong malaman kung bakit namatay ang ating anak." Aya
"Aya it was 10 years ago. Hindi ka pa ba talaga titigil?" Mark
"Oo alam ko na sampung taon na ang nakaraan. Pero hindi pa rin natin alam kung paano siya namatay!" Aya
Biglang may bumagsak na kung ano sa may kabinet sa likod nila. Agad namang napayakap si Aya sa asawa niya.
"A-ano yun?" Aya
"Hindi ko din alam. Tara tignan natin parang record eh." Mark
"Ayoko! Natatakot ako." Aya
"Hay nako ikaw talaga. Akala ko pa naman gusto mo makahanap ng hustisya para sa anak mo?" Mark