CHAPTER 2

58 4 0
                                    

A/n: Hi guys! Di ko na lalagyan ng details kung ano ang chapter na to katulad dun sa una para may thrill, diba? Enjoy!

*****************************************

Elizabeth's POV

Nakarating na kami ni Ford sa canteen. Medyo nastress ako sa paghila nya saken ha.



"Oh? Bat ngayon lang kayo?" Tanong ni Russell. Yup, same lahat ng breaks namin. Pano ba naman ang overprotective na mga boy best friends ko LALO NA si Joao e ayaw akong magisa magbreak at baka ibully daw ako kaya siya na mismo ang gumawa ng sched namin since sya naman ang may-ari. Baliw no?



"Ayon, inasar na naman tong si Athena ng mga babae don. Kepapangit naman." Sagot ni Ford. Natawa nalang ako sa kanya. Parang di ako panget ah? Hay nako.



"Cytheria." AYAN NA SYAAA. May 3 na tawag po kase ang isang Joao Michael Constancia sakin. Una, pag kalmado sya o kaya nagaalala, Elizabeth. Pangalawa, pag masayang masaya sya, Hub. Tapos kapag naman seryoso at naiinis sya, Cytheria. Kawawa naman si Athena no? HAHAHA eh kasi naman. Andami nang tumatawag saken non. Yung boys lang ang napili ng kung anong itatawag nila sakin pero kilala ako bilang Athena.



"Bakit? Hehe" pacool na sagot ko. Paktay na ko.


"Names?" Kow. Ipapatalsik na naman neto ang mga yun. Kaya ako pinagiinitan e. Pinapatalsik nya lahat ng mga nangaasar sakin.


"Hub namaaan. Okay lang yun! Sanay na ko, don't worry, alright?"



"Damn it! That's not okay! I promised you since our childhood that I will protect you."


"Just let it go, alright? Next time nalang kapag inulit nila." I said then gave him a reassuring smile.


Nagbuntung hininga nalang sya. "Fine." YESSS!!!


"Kung hindi kayo magkababata, iisipin ko talaga na magjowa kayo. Ang sweet at protective sa isa't-isa e." Sabi naman ni Tristan.




Sasagot na sana ako nang biglang....



"Oh shit." Tinignan ko agad kung saan nakatingin si Joao at nakita ko ang isang magandang babae pero muka itong mataray. Masyado ding makapal ang kolorete sa muka niya. Wala kaming uniform kaya lagi kaming civilian pero grabe naman ang dress nya? May naitatago pa ba ito? Lol bakit ko ba to sinasabi e pangit naman ako?



Nakita kong itinago ni Joao ang ulo niya sa likod ni Ford. "What the fck, man? Mambababae ka tapos magtatago tago ka dyan?" Hay nako. I'm not surprised palagi namang ganto ang set-up babaeng maganda biglang pupunta sa table namin. Nothing's new.



"Baby, wag ka ngang magtago dyan!" Sabi nya sabay pulupot ng braso kay Joao. Ay mahusay din ang babaeng ito. Hindi manlang nagtanong kung pede makiupo. Hindi naman sa nagiging madamot ako or what. Nakakainis kasi.



Bat nga ba ako naiinis? Aish. "Ooohhh. Pakilala mo naman samin yan." Pang-aasar ni Niel kay Joao. Lumayas na nga pala si Ford at tumabi na sakin. Anu ba yan. Pinagtitinginan na ang table namin!


"Hi, I am Fiona. Joao's girlfriend." Hahaha more like Joao's toy. Aish! Ano ba tong nasa isip ko?!


"Hello." Sagot naman ng boys at ako? Isang hilaw na ngiti lang ang naibigay ko.


The Girl He Never Noticed (JOAO CONSTANCIA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon