Torpe Mo Kasi! (One Shot)

420 20 6
                                    

[A/N: Yow guys! Musta na! Eto nanaman si author, nangungulit lang sa torpe xD Pero wag kaong magalala, kasama niyo ko bro! I feel you~]

==========================

[Leila's POV]

"LEILAAAAAAAAAAAAA~" sigaw ng bestfriend kong si Alice kaya nagising tuloy ako sa ingay niya! Paksheet naman oh! Natutulog yung tao eh! Alam niyo bang late na ako natulog dahil sa mga lecheng project na yan! May K-12 pa kasing nalalaman eh!

"Ay gaga ka nga talaga oo Alice!" sabi ko naman sakanya

"To naman oh! Masyado ka naman! Makagaga wagas?" sabi niya habang nakapamewang

"Tsss....oh ano ngang sasabihin mo para makatulog ulit ako!" sigaw ko sakanya. Di ako nahihiyang sumigaw ngayon dahil wala namang tao dito sa classroom eh. Aga kasi namin pumunta ni Alice dito! Ewan ko nga kung bakit!

Natauhan naman ata siya kaya napaclap siya at napasnap siya ng kamay at tumalon talon na parang tanga! Yung totoo, special ba to o sadyang abnormal lang? Paano ko ba to naging bff? Tss...=_=

"Si-si-si-si----" ang tagal sabihin! SISIpain kita diyan eh! "Ano ba?!? Si ka dyan ng si! Sisipain na kita diyan eh!" sabi ko sa kanya at inambaan siya. Sipa tapos amba. Ano connect nun? Aish! Tama na nga ang kapilosopohan ko!

"Si Aaron! Parating na siya! Papunta na siya sa classroom niya!" pabulong na sigaw ni Alice habang pinipigilan niya yung kilig niya. Napatayo naman ako. Impossible! Ang aga pa lang! 6:45 am pa lang oh! Bakit ang aga niya?

"HA?!?" gulat na sigaw ko kay Alice kaya naman napatakip siya ng tenga. "Aray naman! Sakit sa tenga ng boses mo!" sigaw niya sakin pabalik. Di ko na siya hinayaang magsalita pa at lumabas na ako ng classroom at nagkunwaring pupunta ako ng cr. Yung room kasi nila, malapit sa girl's cr kaya pag nagccr ako, nakikita ko siya. That's why I know kung absent siya o present xD

Dahan dahan akong naglakad papunta sa cr ng nakayuko. Ayoko pa siya makita, baka mamaya niyan mamula pa ako ng sobra sa harapan niya. Nakakahiya yun! Ranas ko na yun eh!

"Oh sige, basta yung plano ah! Nasira tuloy tulog ko! Dahil lang sa----" nahinto yung sasabihin niya saglit kaya napatingin naman ako sakanya. Nagulat ako dahil nakatingin din siya sakin na may pagkabigla sa mukha niya. Siguro nung mapansin niya na nakatingin ako sakanya, natauhan na siya at nagsalita ulit sa phone niya

"A-ah oo, sige. Nandiyan na ba kayo sa court?" sabi niya habang umiiwas ng tingin sakin

"Ok punta na ako" sabi niya at inend na yung phone call. Siguro si Yvanna nanaman yun! Argh! Bakit ba kasi 15 years old lang ako eh tapos siya 17 years old! Ano to? Lokohan?!?

Tumingin siya sakin at nagsmile. I smiled shyly at him too. Argh! Nakakainlove talaga yung smile niyang yan! Alam niyo ba na chinito tong si Aaron Labidabs ko? Mainggit kayo hahaha xD

Nilagpasan ko na lang siya with these fast heartbeat in my heart. Grabe! Kahit malayo, amoy ko pa rin pabango niya! Ang bango niya! Ang gwapo! Ang talino! Ang friendly! Lahat na!

Papasok na sana ako ng cr nung may naramdaman akong may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito at >\\\< pwede magmura?

Fuuta~ hinawakan niya ako! Hinwakan niya ako! Kahit sa braso lang okay na ako!

"Uhm...Leila right? Diba track and field ka din?" sabi niya with his dashing smile flashing in his face. Emeged!

"Ah...o-oo. B-bakit?" nauutal kong sabi. Omo! Nararamdaman ko na umiinit na yung pisngi ko. Hala! Nagbblush na ako! Bwisit! Bad impression na to! Ayusin mo nga sarili mo Leila!

Torpe Mo Kasi! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon