Simula

14 0 0
                                    

"Kuya!"

Marahas na bumukas ang pintuan ng silid na 'yon, gumawa iyon isang malakas na tunog. Tumigil ako sa tapat ng lamesa ni kuya. "Ano itong narinig ko mula kina Nara at Dana na ipapatapon mo ako?"napameywang ako ng humarap ang swivel chair niya sa'kin. "Ganon na ba ka gipit itong palasyo at kilangan magbawas ng saraling kapamilya?"pinaningkitan ko siya ng bigla siyang tumawa.

"Pumarito ka sa silid ko upang komprontahin ako tungkol sa bagay na iyan?"tumayo siya mula sa pagkaka-upo niya. "Isa lamang ang masasabi ko kapatid. Mali ka ng dinig, kung sino mang pangahas ang nag-usap tungkol sa bagay na 'yan."naglakad siya papalapit sa isang malaking veranda. Kung saan, tanaw mo ang payapang paligid ng palasyong aming tinitirhan.

"And what do you mean by that?"

Hindi niya ako nilingon pero batid ko na nakangiti siya. "Hindi ka pinapatapon at hindi naggigipit ang palasyo. Sabi ng hari ay gurto niyang magkaroon ka ng isang magandang haranasan at alala habang ikaw ay bata pa."lumingon siya sa'kin. "Your wish is granted, my dear. Pinahihintulutan ka na ng hari at ng reyna na libutin ang Town Gorgeous."

Kahit hindi ko nakikita ang sarili alam kong nakapinta sa mukha ko ang gulat sa aking nalaman. Nang biglang may naalala ako. Umayos ako ng tayo at tinignan ang nakangiting kuya ko. "Prinsipe Val Xenon, kung inaakala mo na mapapaniwala mo ako at mapapasakay sa kalokohan mo'y d'yan ka nagkakamali."

Tumawa naman siya at napa-iling. "Hindi naman ako kagaya mo. Ni hindi nga kita naparusahan sa ginawa mong kalokohan sa'kin."

"So you mean, tutunay ang iyong isinasaad?"

"You think I'm fooling around with you? Ha! Not a kid."umiling pa siya. Mabilis na napalapit ako sa kanya at pinitik ang tenga n'ya.

"Maraming salamat Prinsepe Val Xenon. May gusto rin sana akong sabihin sa'yo.."napatitg siya sakin. Yumakap ako sa kanya bahagya pa siyang napapitlag sa gulat. "Mahal na mahal kita, kuya. Pinapasabi ng pinaka-maganda mong kapatid na si Prinsesa Kristha Shumira,"

Napailing at napangiti naman siya ng kami'y magbitaw. "Wow! Maganda pala 'yong Prinsesang Kristha Shumira na iyon?"

"Naman, 'di mo ba batid na panget ang kapatid nun? Ayon, laking pasalamat ng hari at reyna na naging maganda ang kanilang bunso."

Sabay kaming napatawa ni kuya.

So, this is it. Mamama-alam na muna ako sa Palasyo't bayang maharlika. Paparoon muna ako sa Town Gorgeous upang maranasan naman ang mga di ko pa naranasan. Sabi kasi nila, ang Town Gorgeous ay isang lugar ng mga normal na mga tao, well, kami kasi mga abnormal ata. Malaki daw ang town Gorgeous, town nga e. Minsan ko ng nasulyapan iyon, subalit sa isang mahika lamang iyon. Kay Nana Felita--ina ni Nara--meron siyang salamangka na nakakapakita ng nais mong makita gamit ang tubig at may kung ano siya binigkas dun at bowala! Makikita mo na.

Kung ikaw ay anak ng hari at reyna at babae ka--prinsesa--sigurado akong mahigpit na pinagbabawal sa'yo ang mag-gagala sa kung saang panig ng mundo. Hindi kami normal lang, maharlika kami. May mga mahika rin kami kaya naiiba kami sa ibang mga maharlika. Nabasa ko sa isang Town Gorgeous na libro na dala ni kuya ng pumaroon siya, ang sabi doon ay creepy para sa mga tao na makakita ng isang "magic". magic na sa kanila kung lilitaw kami roon. Kaya bago pa kami nag-13 ay pinag-aralan na namin ang mga dapat pag-aralan ng mga nasa Town Gorgeous. Lalo na ang mga kilos nila.

Halos maibato mo sa lalaking nakatayo sa harapan ang vase na nadaanan ko ng dahil sa gulat ng bigla siyang lumitaw. "Papatayin mo ba ako?"

Napakunot ang noo niya at napagulo sa buhok. "Ays! Mali na naman ang tyempo ko."Tinignan niya ako ng nagtataka. "Ba't di ko man lang naramdaman na and'yan ka pala Prinsesa?"nakita ko pa ang paglapad ng labi niya paharap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Princess In The Town Of GorgeousnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon