Ang Sakit Lang..
May isang kwento akong gustong ibahagi sa inyo at sana ay mabasa mo ito kahit alam kong malabong mangyari yun.
Nagsimula ang lahat nang maging 2nd year h/s ako. Naaalala mo pa ba nung una tayong magkita? Pareho tayong transferee noon pero hindi naging mahirap sa atin na magkaroon ng mga kaibigan. First day pa lang kasi marami na ang lumapit sa akin para makipag-kaibigan. Ang nice nga eh kasi nasa iisang group of friends lang tayo. Naaalala ko pa noon, pinalipat ako ni Sir sa tabi mo para hindi kayo gaano mag-ingay sa likod.
Simula nung araw na yun, lagi na tayong nag-uusap. Minsan nag-aasaran, nagpipikunan, at nagtatawanan. Dun ko unang naramdaman na may namumuo na akong pagtingin para sa'yo pero syempre, hindi ko sinabi sa'yo. Hanggang sa naging magka-text na tayo. Alam mo ba, lagi akong may load noon. Lagi kasi kitang hinihintay na magtext. Kahit na nauubusan na ako ng pera, naglo-load pa rin ako para lang maka-text ka hanggang sa antukin na ako sa gabi.
Naaalala ko pa nun nang tanungin mo ako kung sining crush ko sa school. Alam mo bang grabe ang kaba ko dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hanggang sa text, tinatanong mo rin yun kaya sinabi ko na lang na hindi mo kilala kasi hindi natin kaklase. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at tinanong din kita kung sinong crush mo. Nung una, ayaw mong umamin pero dahil makulit ang lahi ko, nagbigay ka rin ng hints.
Maputi, hindi gaano matangkad, at mahaba ang buhok. 'Yan ang binigay mong hints sa akin. Sinabi ko yun sa best friend ko at grabe ang kilig niya dahil daw mukhang ako ang crush mo. Hindi ko rin maiwasang umasa n asana nga.. ako ang tinutukoy mo.
Pero, nagkamali ako. Hindi pala ako ang crush mo kundi si Neri na isang 4th year student. Inaamin kong nasaktan ako noon nang ituro mo siya, nagsasabing siya nga ang crush mo.
Hindi ako kumibo noon kahit masakit. Nginitian pa nga kita eh. Sinabi ko pang bagay na bagay kayo. Wala akong nagawa kundi ang hayaan ka na lang. Hanggang sa isang araw, nabalitaan kong kayo na pala. Kinagabihan nun, umiyak ako sa loob ng kwarto ko. Sinabi ko noon sa sarili ko.. makakalimutan din kita.
Naaalala mo pa ba nung may outing tayo? Pumunta pa ako nun sa bahay ng mga kaibigan ko pero dahil mabagal akong maglakad, naiwan ako. Naligaw ako sa lugar na yun. Dahil hindi ako taga-roon, pinagtripan ako ng mga masasamang tao at tinangay ang 500 pesos na dala ko. Gusto kong umiyak pero kailangan kong magpaka-tatag kaya ang ginawa ko, sumakay ako sa isang jeep para masundan kayo sa resort.
Pagdating na pagdating ko, niyakap agad ako ng mga kaibigan ko sa sobrang pag-aalala nila. Nagulat kayo nung sinabi ko yung nangyari sa akin. Nakita pa kitang lalapit sana sa akin pero ako na mismo ang lumayo.
Pagkatapos mangyari yun, nag-iwasan na tayo. Hindi ko alam kung anong dahilan mo pero mabuti na yun para maka-move on na ako. Pinaki-usapan ko na rin si Sir na ilipat na lang ako sa ibang upuan kasi di ko na matagalan ang awkward silence sa pagitan natin. Buti na lang pumayag siya.
Lagi pa rin kitang naiisip kahit na lagi ko kayong nakikitang magkasama sa school. Pero alam mo ba, effective ang iwasan moment natin kasi hindi na ako affected kahit makita ko pa kayong sweet sa isa't isa. Sa mga panahong yun, alam kong naka-move on na ako.