Alam Mo Ba? (One Shot)

27 2 3
                                    

A/N: Ang lahat po ng mga pangyayari sa istoryang ito ay gawa lamang ng makulit kong utak. Kung nagkataon man pong magkatulad kayo ng pangalan at pinangyariha ng kwento...inuulit ko po NAGKATAON lang ito lahat. Thank you po sa pag-unawa...



******

Alam Mo Ba? (One Shot Story)
      ||Cline ♡ Zyna||



Maaga akong nagising dahil na rin sa may pasok pa ako ngayon. Ginawa ko na ang morning routines ko bago nagpahatid kay manong sa eskwela.

"Another day of being tanga." Sabi ko sa sarili ko pagkababa ng kotse. Hinarap ko ang malalaking gate ng paaralan namin. Marami-rami na ring estudyante.

Naglakad ako patungo sa klasrum ko. Hindi pa ako nakakapasok ng biglang may nang-akbay sa akin. Tinignan ko ang lalaking na sa tabi ko ngayon. Ngumiti ito ng sobrang tamis sabay sabing...



"Good morning, Zyna!"



Hindi ko siya kinibo subalit inirapan ko lang. Napatawa naman siya. Baliw lang ang ,peg? Hinayaan ko lang siyang tumawa at nagtungo sa upuan ko. Umupo naman siya sa gilid ko.



"Zyna..."



Pagtawag niya sa akin. Nilingon ko naman siya. Nakalumbaba siya sa upuan niya at nakatingin ng mabuti sa akin. Nakakailang.

"Bakit?" Pagtataray ko na tanong.


"Alam mo ba?—"



Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng pumasok na si sir. Napatayo kami awtomatiko at nagbigay galang. Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya kanina.

Sigurado naman akong puro kalokohan lang naman ang sasabihin niya.

Siya nga pala ang kaklase ko simula grade 3 kami hanggang ngayon na patapos na ang year sa high school. Kapitbahay at numero uno sa pang-aasar saakin. Hindi ko nga alam kong bakit sa akin to dikit ng dikit. Minsan nga ng natanong ko sinabi niyang wala daw siyang kaibigan. Psh. Kahit meron naman. Palusot.

Crush ko rin siya. Malapit kami sa isa't isa noon. Naging masungit lang ako sa kanya dahil baka malaman niya na may gusto ako sa kanya.



Alam mo ba? Oh, sadyang wala kang pakealam? Tss...



Kung ano-ano na lang pumapasok sa isip ko.

Siya si Cline Esteban. Kaklase, seatmate, kapitbahay, frienemies ever since na meet ko siya noong grade 3. Napakakulit niya, minsan masungit, minsan hindi. Kumbaga, bipolar. Over protective, akala mo tatay ko. Psh. Matalino naman, soccer player. Hindi ganun ka sikat pero halos crush ng lahat. Maswerte nga daw ako na kaibigan ko ang isang gwapo at habulin ng babaeng katulad niya, sabi niya. In short, tambutso. Mahangin. Tornado. Bagyo. Elect—


"MISS JUAREZ!"

Nabalik ako sa mundo ng tawagin ang surname ko.  Tinignan ko ang masungit kong guro sa math. Lagot kang bata ka.

"Sir?"

"Are you listening?"

Umiling ako na nagsasabing hindi. Honest ako eh..

"Well, you better be! You're all be having your exams next week. I don't take low grades from all of you. Lalo na at graduation niyo na two weeks from now." Anito at tumingin sa akin ng matalim "Sit down,miss Juarez and get your floating mind out of the clouds. "


Napabuntong hininga na lang ako. Sungit. Naupo na lang ulit ako. Naramdaman ko namang siniko ako ni Cline. Pero hindi ko pinansin. Umusog ito ng konti sa akin at bumulong...

Alam Mo Ba? (One Shot)Where stories live. Discover now