Kuya,Akin ka na lang!

220 9 2
                                    

"Kuya! Akin ka na lang!" sigaw ng isang babae galing sa kung saan.

Tinignan ko ang pinanggalingan ng boses na iyon pero nakita ko lang ang siksikang mga tao na papunta sa canteen ng school namin.Kaya alam kong malabong malaman ko kung sino ang sumigaw non.

Napabuntong hininga ako.

"Kyahhhhh!!!"

"Ang gwapo nya bes!"

"OH EM GEE!! DEX,MARRY ME!!"

"I'm gonna die!!! I'm gonna die!!! Dex! Kyahhhh!!!"

"Tss." Napamaang lang ako sa ilang mga tilian ng mga babaeng humahanga sa akin.Tsk.

Ako si Rhanz Dexter Garcia.

Halos araw-araw,naririnig ko ang mga magkabilaang papuri sa akin ng mga babaeng lantaran kung magpahayag ng pagkakagusto nila sa akin.Naririndi ako sa kanila,sa totoo lang.

Pero ewan ko ba.Kahit ayaw ko sa mga babaeng hayag-hayagan kung magpakita ng pagkagusto sa akin,merong isang babae umaasa akong kahit minsan kikiligin din sa tuwing makikita ako at ipagsisigawang gusto nya ako.

Si Chrishnalyn Beatrice Aquino.

Bestfriend ko sya since kinder pa lang kami at ganon na din katagal akong may lihim na pagtingin sa kanya.

Pero hanggang ngayon na 2nd year college na kami ay clueless parin syang may nararamdaman ako para sa kanya at hindi basta pang bestfriend lang ang turing ko sa kanya.

MANHID KASI SYA!

"Chrish!!!" tawag ko sa kanya mula sa likod niya.Tutok sya sa pagbabasa habang naglalakad.

Pag 'to nabangasan dahil sa pagbabasa nya yang 'yan......

PAPARUSAHAN KO SYA SA PAMAMAGITAN NG WALANG KATAPUSAN KONG HALIK!

Sheeezzz!!! Bawal bang kiligin ang lalake?

"Hoyyyy!!! Natulala ka na dyan! At bakit namumula ka? Ha,Rhanz?" tanong ng baby ko. De,joke lang.

Nakarating na pala kami sa canteen ng hindi namamalayan.Tama na Day dream mo dre!

"H-ha? Ano kaba? Sinong namumula? Ikaw talaga Chrish!" sabi ko saka sya niyakap ng mahigpit at pinanggigilan ang pisngi nya. Para-paraan lang 'to mga dre!

"Rhanz naman e." nakasimangot nyang sabi sa akin. Ang cute nya! Kaya lalo akong naiinlove sayo nyan e!

Sya lang ang tumatawag sa akin ng Rhanz since kinder.Lahat kasi sila Dex ang tawag sa akin.

Gusto ko na sanang magtapat sa kanya noon pa.Kaso nga lang since high school pa lang kami,vocal na sya sa aking may mahal na syang ibang lalaking na nag-ngangalang 'Red'. Kaya naduwag ako at hindi na natuloy yung pag-amin ko.

"Tara na nga order na tayo!" pilit ang ngiting yaya ko sa kanya at inakbayan sya bago maglakad papuntang counter.

~~~

"Kuya! Akin ka na lang!" sigaw na naman ng isang babae galing sa kung saan.

Nilingon ko na naman kung saan yun nanggaling pero di ko makita kung sino yun.

Ewan ko ba.....Sa lahat ng lantarang sumisigaw ng pagkakagusto sa akin,don lang sa babaeng hindi ko kilala na palaging sumisigaw ng 'Kuya! Akin ka na lang!' ako hindi naiinis.Para kasing may iba sa kanya.

Nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad papuntang locker ko para mag-iwan ng gamit na hindi ko dadalhin pauwi.

Medyo kakaunti na lang ang nasa may bahaging locker room at naglalagay ng gamit nila pero marami-rami din ang dumadaan sa bahaging ito.

Kuya,Akin ka na lang! (Oneshot)Where stories live. Discover now