I have been there

5.6K 103 11
                                    

So since its one shot story. Isahan nalang. Kamsa- Vote and comments are highly appreciated.

--

Celestine

Napasinghap ako nung makita ko ang isang lalaking papalapit sa kinaroroonan ko. Mula sa suot niyang itim na t-shirt hanggang sa kulay asul nyang bag na laging dala. Pati na din ang matamis nyang ngiti sa mukha.

Malayo palang kilalang kilala na kita.

Mas naging mature ka sa itsura mo ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mas naging mature ka sa itsura mo ngayon. Wala na yung suot mong lagi na beanie. Wala na yung malaking glasses na lagi mong suot.

Marunong ka na din ngumiti,

pero yung ngiti mong yang alam nating pareho na pawang kalokohan lang yan.

Purong kasinungalingan lang.

Mabuti naman nagkalakas ka na ng loob para magpakita saakin.

Dalawang taon na.

Dalawang taon na din mula nung huli tayong magkita. Mabuti at nagkalakas ka na ng loob. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko din alam ang sasabihin, kaya huminga nalang ako ng malalim at ngumiti ng tulad ng sayo.

Nilapag mo ang asul mong backpack sa tabi ko. Binalot tayo ng katahimikan. Di moko magawang tignan. Tanging sa kawalan lang ang iyong tingin.

Pero hindi tulad mo, nakamasid lang ako sa mukha mo, tila kinakabisa ko ang bawat detalye ng mukha mo.

Mula sa mga mata mong tila laging puyat, hindi ka na din ata marunong mag ahit, at kapansin pansin na din ang pagpayat mo. Ayokong malimutan ang bawat detalye nito, kaya walang sawa ko itong titigan.

Pagkatapos ng nangyare tila mga alalaala nalang ang meron ako.

"Ce hindi ko alam ang sasabihin ko haha"

nakangiti ka nga bakas ang tamlay ng boses mo.

"Dont cha worry Jarred ako din naman eh."

pabiro ko nalang na tugon sabay tingin sa kawalan. Awkward.

"Sa totoo lang Ce, galit ako sayo"

unti unti ng nawala ang ngiti sa mukha mo, napalitan ito ng kalungkutan, na mas lalong nagpabigat ng loob ko. Anu ba Jarred.

"Bakit ka ba nagagalit? Wala-- "

Muli di mo ako pinatapos. Bastos to.

Napabuntong hininga ako. Tsaka ko naisip ang dahilan. Dahil lang ba dun kaya dalawang taon niya akong nilayuan? Aba mali naman ata yun!

"Sana hindi nalang kita inaway ng gabing yun"

pinunasan mo ang mga luhang tumulo sa mata mo gamit ang kamao mong naka kuyom.

"Sandali lang Jarr--"

"Ce nangako tayo eh! Hindi pa ba yun sapat?!"

Giit nanaman niya. Tae kailan mo kasi ako papatapusin sa sinasabi ko?

"Jarred sabi ko pakinggan moko--"

muli nalang akong natulala nang pumatak nalang ang mga luha galing sa mata mo.

We've been friends since nung nasa tiyan palang tayo ng mga Nanay natin. Kilala kitang palangiti at palaging positive. Ni minsan hindi ka saakin nagalit. Makatapak ka man ng tae o bumagsak sa Math. I never saw you got angry.

And it hurts to see you crying now.
Lalo at ako ang dahilan.

"Im sorry. Okay na? "

Ayokong nag sosorry lalo na kung wala naman akong kasalanan. Oo mapride akong tao. Kaya ayokong humihingi ng tawad. Hays. But he's an exemption. He's more important than my pride.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata mo, napapikit ka dahil dun.
Bruh ramdam mo? Pero muli nanamang tumulo ang luha mula dito.

"Ce bakit? Bakit? Sumagot ka!"

Patuloy padin ang pagtulo ng luha sa mata mo. Ewan ko kung maawa ako o maiinis ako dahil sa kanina pa ako nagpapaliwanag pero di moko pinapatapos.

"Jarred look."

napabuntong hininga nalang ako

"Let me explain to you"

Pakiusap ko pero binaon mo ang mukha mo sa tuhod mo at lalo ka pang umiyak.

"Wala kang kasalanan two years ago, it was never your intention--"

natigil ako ng bigla kitang napansin na kinuha ang bag mo at tila handa ng umalis.

I said hear me out. But looks like you dont have plans at all.

He won't listen. He never will.

"Ce bakit moko iniwan? Bakit ka nang iwan? Bakit mas pinili mong lumabas sa pinto nung gabi yun? Akala ko ba walang iwanan? "

muli mong sambit habang hinaplos mo ang lapida ko.

Celestine B. Valentino
1990-2015

Napatingala ka sa kalangitan habang hinayaan mong tumulo ang mga luha sa mata mo.

"Siguro isang pagkakamali ang pakikipagkita ko sayo Ce, dalawang taon na din, pero hindi ko matanggap, Ce miss na miss na kita."

Oo nga pala..

Para akong sinampal ng katotohanan. For the nth time Celestine, naalala ko two years ago, nabangga ang minamaneho kong sasakyan noon nag away tayo noon Jarred. Nahulog yun sa tulay.

"Jarred Im sorry, miss na miss na din kita, alam kong hindi mo na ako maririnig pa o kahit ang mga sinasabi ko.. "

namalayan ko nalang tumutulo na ang mga luha ko

Masakit. Hanggang ngayon sinisisi nya padin ang sarili nya sa lahat. Wala kang kasalanan. Wala Jarred.

No matter what I say he can't hear me.
No matter how I scream he wont hear my voice anymore.
He would be forever deaf of my screams.

- END -

Ascertain (Serialsleepers "Hear me out" inspired story)Where stories live. Discover now