Chapter 17

67 2 0
                                    

Aster POV

"Aster maggigitara ka ba mamaya habang kumakanta?" tanong ni Jaz.

"Oo" sagot ko.Habang nakatingin sa mga asungot kong kabanda ang iingay eh.

"Tsaka may inimbitahan ako para manuod mamaya" dagdag ko.Si Jaz naman nakangiti ng nakakaloko.

"Alam ko na kung sino yan"

"Oo nga alam na namin yan!Halata eh!!Wooooh Amber na!" Sigaw nila.Geez bat ba naging barkada ko to? Ang kukulit at ang iingay.

"Manahimik kayo jan!Sige mauna na ako sa inyo.Pagod ako eh mamaya nalang sa gig.Bye"

Paglabas ko ng music room.Tinignan ko ang langit medyo makulimlim.

So I decided na magdrive papunta sa isang lugar na tahimik at walang panggulo.

Halos isang oras rin ang byahe papunta sa lugar na iyon.

Ipinarada ko muna yung sasakyan sa tabi ng puno.

Inilibot ko ang mata ko sa lugar na yon.Halos wala paring bago.Walang tao walang bahay.

I found this place when I was 15 years old.Mga five years narin.Napunta ako dito dahil sobrang lungkot ko nun.Wala akong mapuntahan ayoko naman sa mga pinsan ko.I mean ayoko silang maabala.Kaya pumunta ako rito dito ako umiyak at inilabas ang sama ng loob ko.Dito ako pumupunta lalo pag gusto kong mapag-isa

Naupo ako at tumingin sa magandang tanawin.

Bigla akong napaisip sa naging pag-amin ko kay Amber.

Kung ligawan ko kaya siya?

Straight yun.Walang pag-asa

Akitin ko kaya?

"Liligawan ko n--" hindi natuloy ang pagkausap ko sa sarili dahil may tumawag.

Pagkatingin ko sa phone si Amber pala tumawag.Kaya sinagot ko agad ito.

"Hello?"

"Hi.Aste pwede bang may isama akong kaibigan mamaya?" tanong niya

"Sino?"

"U-umuwi ka nalang dito nang makilala mo siya bye!"

Agad akong napatayo at umalis kaagad.

"Sino ba kase yon?!" hindi ko maiwasan kausapin ang sarili ko.

Nagseselos ako eh!

Mga 45 minutes na rin ang byahe ko dahil sa pagmamadali.

Papunta na ako sa unit at hindi ako mapakali.

Pag-open ko ng unit ko.

Tumambad sakin ang nagtatawanang dalawang babae.

Sino ba tong babaeng kasama ni Amber?

"Hey" pukaw ko sa kanila

"Oy!Ah Aster meet Sandra,Sandra meet Aster.Ah Aste bestfriend ko pala sa US"

Makikipagshake hands sana yung Sandra pero naglakad na ako papuntang room ko.

Tinignan ko muna yung relo ko 4:30 na pala

Unexpected Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon