4

4 0 0
                                    

"Eh...Tyrone anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Wala lang." Sabi nya

"Tsk.. Tyaka.. "

*smell*

"Bat Amoy alak ka ha.. Kay aga aga nag lalasing ka" sabi ko at lumayo ng kunti Amoy alak kasi  sya eh

"Ano bang pumasok sa isip mo at nag lasing ka ng ganitong oras?" Tanong ko ulit

Hindi parin sya sumagot at pumasok sa loob ng condo ko

"Hoy..sagutin mo nga ako" sabi ko sakanya habang papunta kami sa sala..

"Kashi nga... " paguumpisa nya

"Kasi ?"

"Kashi ang shakit dito oh.. *turo sa puso nya*" sabi nya

Ah... So.. Broken hearted pala... Ang gago

Oo nga pala dito sya minsan natutulog.. May kwarto narin sya dito... Pinsan ko rin ang ugok na to

"Dahil lang sa babae nag pakalasing ka.. Pambihera nga naman" sabi ko at nag cross arms

"Ikaw kashi.. Di ka pa na iinlove.. Bitter ka Kashi" sabi nya

"Hoy.! Mr. Mercado.. Di ako bitter no.!" Singal ko sakanya

"Zein, alis na..ta....yo.." Rinig Kong sabi ni angel na pababa ng hagdan..

Infairness nag paganda sya ngayon.. Sa school lang naman kami pupunta eh

"Oh.. Hi.. Anshel" tipsy na sabi ni Tyrone

"Oh..hi.. Anong ginagawa nya dito?"
Tanong nya sakin

Nakibit balikat lang ako..

"Shan kayo pupunsya?" Tanong ni Tyrone

"School" maikling sabi ko

"Iiwan nyo ako?" Tanong nya

Napa buntong hininga ako

"Angel akin nayang mga papeles mo" sabi ko

Binigay naman nya

"Okay ganito.. Maiwan ka nalang dito gel, alagaan mo tong magaling Kong pinsan okay." Sabi ko

"What.! Nag bihis pa ako ng ganito para lang alagaan ang lasing nato"
Turo nya kay Tyrone

"Yap.. And that is final" sabi ko sabay takbo palabas ng condo.. Narinig ko pang tinawag ako pero di ko nalang pinansin

Angel Grace

Kaloka.. Nag ayos pa ako tapos aalagan ko lang tong... Nako.. Kung di lang talaga kita mahal iiwan kita dito

"Teka nga bat ka nga pala nag lasing?" Tanong ko

"Ang sakit kasi.. Iniwan ako ni Ashlee.. Iniwan nyang durog ang puso ko.." Sabi nya..

Lumandas naman sa mga pisngi nya ang luha..

"Wala man lang syang paalam.iniwan ako at kinalimutan ng ganon ganon nalang" pagpapatuloy nya

Nangingilid narin ang luha ko..

Ha.. May mahal na pala syang iba..

Tanga mo kasi angel.. Ang tanga mo.. Alam ko naman talaga na may mahal ka noon paman .. Pero hito ako patuloy parin sa pagmamahal sayo..tanga ko no...

Bigla syang tumayo..

"Ashlee" tawag nya sakin

Pinunasan ko ang luha ko

"Tyrone, di ako si Ashlee ako si angel" naiyak ko paring sabi

Umiling sya at niyakap ako

"Ash, please wag mo akong iwan.. Please.. Babe, stay with me.. I love you.. You now that.. Please... Bumalik kana sakin" naiyak nyang sabi

Di ko na mapigilang di humagulgol..

Ang sakit isipin yong mahal mo .. May mahal ng iba at Sya si Ashlee

"Ash, bumalik kalang sakin.. Mag babago na ako... Lalo tayong dalawa.. Bubuo ng pamilyang masaya.. Tatalikuran ko ang lahat.. Para sayo ash.. Please back to me" sabi nya

Nagulat ako sa sinabi nya..

Lahat.. Gagawin nya.. Lahat lahat para lang sa taong mahal nya..

"T..y..r..o..n..e.."

Niyakap ko sya..

Mahal na mahal kita.. Pero may mahal kang iba..ang sakit sakit Tyrone.. Subra..

Di ko namalayan.. Nakatulog na pala sya sa bisig ko..

Pinunasan ko ang luha ko saka ko sya inalalayan papuntang kwarto nya..

Pagitan ng kwarto namin ni zein

Inihiga ko sya sa kama nya saka ako kumuha ng bimpo ang tubig.. Pinunasan ko sya.

Patuloy parin ang ang iyak.. Ko pesteng mga luha to oh
.

"Ang swete.. Naman *hik*  ni Ashlee sayo.No.. Ty, mahal mo sya.. Kaya mong gawin lahat.. Para sakanya.. *hik*.. Pag mamahal... *hik* yan yong di mo ni kaylan naiparamdam sakin at ni pinakita..*hik* kay Ashlee lang.." Sabi ko habang pinupunasan sya.. Saktong tapos ko na syang punasan tumayo na ako at lumabas na.. Baka di ko mapigilan ang damdamin ko at mailabas ko lahat lahat.. Ng nais kong sabihin..

Pinagluto ko nalang sya.. Ng paborito syang adobong manok..

Tanghali na rin kasi..

Matapos Kong magluto.. Napag desisyonan ko na gisingin sya..

Habang papalapit ako sa pintoan ng kwarto nya.. Parang maiiyak nanaman ako..

Pinilig ko ang ulo ko..

Angel naman.. Kakatapos mo palang umiyak..iiyak ka nanaman ulit..

Nakailang buntong hininga ang pinakawalan ko saka ako tuluyang pumasok sa kwarto nya.
.

Lumapit ako saka ko sinimulang gisingin sya

"Tyrone..Tyrone...gising" sabi ko habang niyuyogyog sya..

Ng mapagod ako.. Tinitigan ko ang perpekto nyang mukha..

"Grabe yong pagmamahal mo kay Ashlee..ty, lahat gagawin mo.. Para sakanya.. Para maibalik lang sya sayo.. Sobrang swerte nya tyrone.. Sana wag ka na nyang iwan pag bumalik sya sayo..tyka Tyrone ang selfish mo naman di ka manlang nag laan sakin ng kahit unting pagmamahal.. Tyrone sawa na ako sa pagiging mag kaibigan lang..mahal kita.. Higit sa kaibigan..
May mahal ka mang iba.. Wala akong pakiilam basta mahal kita..
Pero.. Kung sya na talaga.. Paki sabihin naman sakin.. Para ng di na ako umasa sa wala.. Masakit umasa.. Tyrone.. Masakit.. Masakit makita at narinig na mahal na mahal mo si Ashlee.. Na Hindi ako yong tinitibok ng puso mo.at laman nito. Ty, sobrang sakit.. Pero.. Wag kang mag alala .. Makakamove on din ako.. Wag mo lang ako madaliin.. At kung.. Malaman mo ma  na mahal kita. Sana wag lumayo sakin.. O ipagtabuyan ako kasi .. Masakit yon ty.. Pero tanggap ko.. Kahit masakit sa damdamin.. Tatanggapin ko..
Hay.. Ang haba ng speech ko hahahaha. Pero .siguro hanggang dito nalang.. Alam ko di kita pagmamay ari pero Tyrone pinapalay na kita.. Pero tandaan mo. Mahal na mahal kita..Tyrone Lorenzo Mercado.." Speech ko saka ko sya hinalikan...

Wag kayo.. Sa noo lang..

Tumayo.. Na ako at aakmang lalakad ng mag salita sya

"M-mahal m-mo a-ako?"

*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Kyyaah.. Ang haba ng speech ni angel..

Fall Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon