Maling Akala

72 5 2
                                    

Noong una pa lang kitang makita

Puso ko'y nabihag mo na

Bawat tingin moy sinusundan

At ako'y laging namangha sa kay ganda mong mga mata.

Kahit anong gusto mo ay aking gagawin

At lahat nang utos mo'y aking susundin

Makita kang masaya

Puso ko'y liligaya.

Buhay koy biglang nagbago

Na para bang nanalo sa isang lotto

At puso ko'y tinamaan mo

Nang dumating ka sa buhay ko.

Ngunit isang araw lahat ay nagbago

Dahil damdamin mo'y naging pabago-bago

Pag-ibig mo sa akin ay biglang nawala

Na para bang isang bula.

Akala ko'y ako na

Ang babaeng gusto mong makasama

Ngunit ako'y nagkamali

Dahil hindi ako ang iyong napili.

Dahil sa maling akala ako ay nasaktan

Puso ko'y iyong nilisan

At iniwan mong puno ng kalungkutan

Habang ika'y 'di makapaniwala sa nagawang kasalanan.

Kay hirap tanggapin ang katotohanan

Ngunit kailangan ay ika'y makalimutan

Upang makita ang tutuong kaligayahan

Dahil sa maling akala ako ay nasaktan nang lubusan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon