Isa

4 0 0
                                    

"WALANG FOREVER! MAGBE-BREAK DIN KAYO!" sigaw ko sa magsyotang naghaharutan habang naka-upo sa park bench nang mapadaan ako.

Lecheng mga may syota. Harutan nang harutan, magbe-break din naman. Kunwari pa effort effrot pero lolokohin rin naman. Panay ang sabi ng i love you sa isa't isa, darating rin naman ang araw na mapapaltan yang "i love you" na yan ng "i hate you"

"Wag kang mangi-alam! Ang bitter mo! Palibhasa walang boypren!" sigaw naman nung isang lalaki na nakatambay kasama nung mga kabarkada nya.

"EH ANO KUNG BITTER!? sabat ka pa man dyan, eh halata namang isa ka ring manloloko eh. Pangit pangit mo naman pwe!

Mga manlolokong mahilig paglaruan ang mga damdamin ng mga kababaihan na akala mo naman eh kinagwapo nila yun!? Sus! Ang lalakas ng loob manligaw kunwari pero lolokohin ka lang naman talaga! Mga punyeta sila. Walang kwenta.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad at isinantabi nalang ang init ng ulo ko sa mga taong nakapalibot sa akin ngayon.

Ang sasakit sa mata!

Masyadong maraming mga naglolokohan sa lugar na 'to! Nakakairita!

Bakit nga ba kasi ako nandito!? Kasalanan 'to ng kausap ko eh! Dito pa kasi nagbalak na makipagkita nakakaasar.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at tinawagan siya.

"HELLO, HERSHEY!? ASAN KA NA BA!? KANINA PA AKO DITO, ANG INIT INIT!" nakakainis naman kasi ito. Kahit kailan ang bagal nya talaga kumilos! Nagpapaganda pa siguro, di naman maganda.

"Sorry, Pheobe. Papunta na ako! Nagdaan pa kasi ako kala Ronald eh!" bwisit. Yung walang kwentang boypren nanaman nya. Niloko na nga sya, binalikan pa rin. Isa ring tanga.

"INUNA PA TALAGA ANG LANDI, HA!? MAS MAHALAGA PA BA YAN SA AASIKASUHIN NATIN NGAYON?! PAKI-BILISAN, PLEASE!" nakakaasar eh. Inistorbo pa ako para magpatulong sa school work nya, tapos malalaman kong andun sya sa syota!? Punyeta.

"Pasesnya na, oo, papunta na kami dyan." binaba ko na yung tawag, baka lalo lang ang mairita. NAKAKAINIS. Ang init init na nga dito, ang sakit pa sa paningin nitong mga nakapalibot sa akin, tapos ganito!? Lintek nga naman oh.

Sa sobrang inis ko umupo nalang ako sa isa sa mga bench dito sa park na di ko malaman kung Motel ba o ano.

Harutan everywhere!

PDA here, PDA there. Nakakairita tumingin everywhere!

Kainis.

"Tikman mo 'tong ice cream na binili ko, baby. Masarap yan" sabi nung lalaking may ka-date na chararat na SA HARAPAN KO PA TALAGA PUMWESTO. Kung di ka ba naman maiimbyerna.

Nakaupo na sila ngayon sa bench na nasa harapan ko at tinikman na nga nung babaita yung ice cream ng boyfriend nyang BABY-TAWAN RIN NAMAN SYA PAGDATING NG PANAHON. "Ang sarap nga, baby" ang sarap nga, ang sarap nyong tunawing dalawa dyan. Bwiset. Harot.

Pinandidirian ko nalang sila ng tingin habang naglalampungan parin sila dun sa ice cream na binili lang naman dyan sa tabi tabi na akala mo'y hindi pa nakatikim ng ganung klaseng ice cream sa tanang buhay nila. Pwe.

Inalis ko na lang ang tingin ko sakanila at baka masuka pa ako ng tuluyan sa pinag-gagagawa nila doon. Lumingon nalang ako sa kabilang direksyon at sakto naman ang pagkakita ko sa taong kanina ko pa hinihintay. Hindi pa naman sila ganun kalapit pero tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumakad papalapit sa kanila.

Isa pa 'to eh. Akala mo'y di na lolokohin ulit. Hunghang sa pag-ibig.

Magka-hawak kamay pa silang naglalakad habang nakangiti sa isa't isa na akala mo'y poreber na talaga silang ganyan.

Sus. Pustahan, lolokohin lang ulit sya nyang gagong yan. Pwe.

Ganyan naman yang mga manlolokong yan. Hindi marunong madala. Uulitin at uulitin nyan ang nakasanayan na nila. Ang maghanap ng iba kapag nagsasawa na sa kinakasama. Madalas ganyan. Mambababae. Tapos ito namang isa, kapag nagsorry lang yung lalaki at nagsabing "mahal pa rin kita", eh maniniwala at magpapakamucha-cha ulit.

"Tara na, Pheobe?"

"KANINA PA" bwiset. Imbes na nasa bahay lang ako at nagpapakalunod sa Wifi at aircon eh andito ako nagmumukhang kabit ng dalawang malandot na ito. Bwiset.

Wala namang matutulong sa amin itong lalaking 'to, sinama-sama pa. Di ata nito kayang mabuhay ng wala 'tong bwiset na boypren nyang ito eh. Peste.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eh Ano Kung Bitter!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon