"Okay naman tayo diba?" Tanong ko sakanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Gustong tumulo ng mga luha ko pero pinipigilan ko, ayokong maging mahina sa harapan niya.
"Babe- siya pa rin, siya pa rin ang nasa puso ko."- yun ang mga salitang namutawi sakanya. Masakit yung mga salitang narinig ko, nanginginig ang katawan ko.
"Eeh ako? Ano ba ako sayo? Nasan ako dyan sa puso mo? Bakit hindi mo magawang bukas para sakin? Mahalin mo naman ako kahit minsan lang." - saad ko. Nakatingin siya sakin at wala siyang mahanap na sagot sa mga tanong ko. Tumalikod na ako sa kanya at hindi ko na hinintay ang maaari nyang sabihin or isagot sakin, dahil alam ko talo ako, at alam ko sabrong sakit nito at ayoko ng dagdagan ang sakit na nararamdaman ko.
Ang tanging nagawa ko nalang ay ang lumuha habang papalayo sakanya.***
Naalala ko ang naging usapan namin, at simula noon. Nagbago na ang lahat, hindi na kami tulad ng dati.
At ngayon nandito siya sa tabi ko.Ang matangos nyang ilong, mapupulang labi at nangungusap na mga mata. Pinagmamasdan ko siya habang himbing na natutulog, nakaupo lamang ako sa kanyang tabi. Naramdaman ko nalang ang paghila niya sakin.
"Matulog na tayo babe"- ang sabi niya na halata sa boses nyang antok na antok na.
Humiga ako sa tabi niya at inayos ang kumot naming dalawa na sa loob nito'y pareho kaming walang saplot. Naging unan ko ang kaliwa nyang braso at ang kanang kamay ay naka yakap saking bewang. Niyakap ko siya at pumikit, at nagdasal na -"sana lord mahalin din niya ako, sana ang taong ito ang makatabi ko sa pagtulog habang buhay, wala na akong hihilingin pang iba kundi siya lang."Ngunit baka ito na ang huling pagsasama naming dalawa, ang huling gabing katabi ko siya.
Sa dami ng nangyari nitong huling mga araw, ito na yung ultimatum naming dalawa.Dahil pareho na kaming nasasaktan.
Pero, bakit mas nasasaktan ako, kahit alam kong wala namang salitang kami.
Bakit umaasa pa rin ako na babalik din kami sa dati.*****
Hi guys!!! Musta na tayong lahat?
Ito na! Ako'y nagbabalik nasa ay magustuhan nyo ang bago kong kwento. Paumanhin kung antagal kong nawala... naging busy ang lalo nyo...I hope you'll like this book... comment lang po tayo for the next UD...
Un lang po!!!Lovekokayo!!!
Clairebear ♡
BINABASA MO ANG
Sana Kami
RomanceMahirap mahalin ang taong, hindi pa tapos magmahal ng iba. Akala ko, sa movies or palabas lang sa tv ang ganitong pangyayari, pero hindi pala sa totoong buhay din. Masakit, nakakapagod pero bakit hindi ko magawang mapagod, bat di ko magawang bumitaw...