[A:N// O Ravin! Dedicated na para sa'yo. :)]
*****
Pagkakuhang pagkuha ni Venus ng kanyang susi ay nagmamadaling umalis ito, habang nagbabagsakan na naman ang kanyang mga luha. Buti at di sya napansin ni DK.
Eh paano ka ba naman papansinin, busy sya kausap ang taong mahal nya?
Maraming tanong ang tumatakbo sa kanyang isipan.
"i love you too, Maddie"
"i love you too, Maddie"
"i love you too, Maddie"
Paulit ulit 'yan sa kanyang isipan.
Nagkabalikan na pala talaga sila ni Maddie.. ibig sabihin ay ito pa rin ang mahal nito?
Pero bakit nya ako niyayang magpakasal?
T*ng-in*! So hanggang ngayon panakip butas pa rin ako? Rebound? Ganun ba?
Lalong naninikip ang kanyang dibdib sa kanyang mga naiisip..
Dumiretso pa din sya sa restaurant.
Dun muna sya. Hinihiling nyang sana ay wala doon si Cee, kundi ay mag-alala na naman ito, at baka di na nito mapigilan at masugod pa si DK... or worst, baka si Maddie. Di sya warfreak, ganun lang sya ka-overprotective sa'kin. I know, i'm so lucky to have a bestfriend like her. She's like a sister to me.
..
Nang makarating sya sa restaurant, laking pasasalamat nya at wala nga si Cee. May pinuntahan daw... Dumiretso na sya agad sa kusina. Personal na kusina nya. Pinasadya nya ito para kapag gusto nyang makapag-isa, ay dito sya pupunta.
Marunong din syang magbake. Mama nya ang nagturo sa kanya.
Actually, kaya nya naging passion ang pagluluto o maging ang pagbe-bake ay dahil sa kanyang ina.
Namatay ang kanyang ina dahil sa cancer.. She was 13 that time. Sobrang gumuho ang kanyang mundo nang mawala ang kanyang ina.. Lalo na ang kanyang ama. Syempre, sino ba namang magsasaya kapag nawala ang isa sa mga napakaimportanteng tao sa buhay mo? Di ba?
Kaya kapag nasa kusina sya, feeling nya ay kasama nya pa rin ito.
...
Nakailang bake sya ng cupcakes.
Gan'to talaga sya, kapag malungkot...
"Vee? Andito ka pala?"
Nagulat sya as biglang pagsulpot ng kanyang bestfriend.
"Ah, oo... Ahm, a-ano kasi.. b-busy si DK nung pinuntahan ko s-sya.."
i lied. Buti na lang at nakatalikod ako sa kanya, baka mapansing naluluha na naman ako...
"Busy san?"
"Sa.. w-work."
"Talaga? Baka naman sa babae nya?"
"Cee!"
"What? 'Wag mo kong gawing tanga, Vee. Alam kong napunta ka lang dito kapag malungkot ka or stressed.."
Humarap ako sa kanya at 'di ko napigilan ang sarili ko... Niyakap ko sya, at napahagulhol.
"Ssshh.. Lagot sa'kin 'yang asawa mo! Lalo na 'yung kabit nya!"
"W-wag!.. Ayoko ng gulo, Cee..."
"So mas gusto mo na ganito? Ha? Para kang tangang iiyak, habang sya nagpapakasaya dun sa babae nya?!"
"k-kaya ko 'to... aayusin ko 'to, aayusin n-namin.. Mahal ko sya.. mahal na mahal.. Alam mo 'yan.."
"Mahal mo nga, mahal ka ba?"
"M-mahal nya ko! Sinabi nya sa'kin..... noon.."
"Noon 'yun! 'nung wala si Maddie. Pero ngayong nandito na uli sya, san ka lulugar? Mahal ka pa din ba? Ha? Ewan ko kung san ka dadalhin ng katangahan mong 'yan, Vee."
Di na ko umimik pang ulit.. Masakit marinig, pero siguro ganun talaga ang totoo.. Pero di ko maitangging hinihiling kong sana di totoo ang sinabi ni Cee..
...
Pagkatapos ng tagpong 'yun, ay nagpaalam na muna sya at may aasikasuhin ulit sya.. tawagan ko na lang daw sya kapag may problema ulit.. Pagkaalis nya ay sumunod na rin ako sa kanya. Balak kong umuwi ngayon, kahit ayoko syang makita. Pero makikita ko nga ba sya dun? baka naman na kina Maddie sya...
Nakita ko ang kotse ni DK sa may garahe namin. Ibig sabihin, nandito sya.
Pagkabukas ko ng pinto ay 'di ko naman sya nakita doon...
Dumiretso muna ako ng kusina, dala ko ang mga binake kong cupcakes kanina..
ilalagay ko sa ref... Nang biglang may nagsalita sa likudan ko,
"Hi, bestfriend. Missed me?"