TW 000 - Birth
1997, January 21
9:30 PM
Siquijor
"Lakasan mo ang pag-ire, Mina! Huminga ka ng malalim!" Sigaw ng kumadrona kay Mina. Naabutan na kasi ito ng panganganak sa kanilang bahay dahil hindi na siya umabot pa sa klinika upang doon manganak kung kaya't nagpatawag na lang ng kumadrona ang kanyang asawang si Berto. Hinawakan ni Berto ang kamay ng kanyang kabiyak para palakasin ang loob nito.
"Nakikita ko na ang ulo ng bata! Isang malakas na ire pa, Mina! Lalabas na siya!" Sinunod ni Mina ang kumadrona. Umire siya ng pagkalakas-lakas at doon nga, lumabas na ang kanilang kauna-unahang anak. Kumuha ng isang puting tela ang kumadrona at pinunasan niya ang mga dugo sa katawan nito. Pinutol na rin niya ang pusod nito. Nakangiting binalingan ng kumadrona ang mag-asawa.
"Binabati ko kayo. Ang unang anak niyo ay isang lalaki." Iniabot ng kumadrona ang bata kay Mina. Hinalikan sa noo ng babae ang kanilang munting anghel. Niyakap naman ni Berto ang kanyang mag-ina at bakas sa kanilang mukha ang tuwa.
"Anong ipapangalan natin sa kanya?" Tanong ni Berto. Napangiti si Mina sa tanong ng kanyang asawa. Hinawakan ni Mina ang kamay ng kanyang bagong silang na sanggol saka ito hinalikan.
"Cohen. Cohen ang ipapangalan ko sa kanya." Masayang sambit ni Mina.
"Magandang pangalan. Maligayang pagdating sa mundo, anak." Masayang turan ni Berto.
(A|N: Cohen means priest in the temple)
---
2017, January 21
9:30 PM
St. Francis Hospital, California
"How's my wife, Doc? Is she okay?" Jasper asked the doctor. Due date na ng panganganak ng kanyang asawang si Lyna. Mabuti na lang at nadala niya agad ito sa ospital.
"Yes. You can see her, now. And by the way, congratulations, Mr. Lozada. Your first child is a girl." Kinamayan si Jasper ng doctor at tinapik siya nito sa balikat. He rushed to the private room to see his wife and her newly born daughter. Di maipinta sa mukha niya ang saya. Finally! The long wait is over! Pumasok siya sa loob at nakita niya ang kanyang asawa na nakahiga sa kama nito karga ang kanilang baby. Lumapit siya dito. She kissed Lyna's forehead then he focus his gaze in the baby beside her. She was an angel given from above.
"What's her name? Have you decided which one on the list is the best for her?" Tanong ni Jasper. Tumawa ng mahina si Lyna.
"Di ako pumili sa listahan, dear. Anjanette. Anjanette is her name." Ngumiti si Lyna at Jasper.
"Welcome to our world, baby." Sabay na sambit ng mag-asawa.
(A|N: Anjanette means Gift of God's favor)
Two people born at the same time and date.
Is it destiny that brought them or it's just a coincidence?
x x x
This story is a work of fiction. Any resemblance to other author's work is purely coincidental. Names, places, events portrayed in this story is just a part of author's wide imagination.
All rights reserved 2017.
YOU ARE READING
Two Worlds (Wattys2017)
Fantasy"Sometimes, when two worlds collide, a better one is created." - Susan Gale Two people born in two different worlds. Meet Anjanette Lozada; the bubbly, cheerful, kind, smart girl born in the present. Meet Cohen Santillan; the gentleman, old-fashione...