Chapter 54

890 25 0
                                    

Third person's point of view.

| Frantíco Academy |

"Mamayang gabi na susugod sila Raiviel sa kuta nila Zerto, gusto ko talaga sumama sakanila na alam nila." Sabi ni Quirsten habang tinititigan nya ang iniikot ikot nyang basong may lamang tubig, naglabas sya ng isang malalim na buntong hininga.

"Mamaya na rin lalabas ng clinic sila Xaviel, sana mag work yung plano." Saad naman ni Trevor bago lumagok ng tubig.

"Magwowork yan, magtiwala lang tayo sa lahat." Sabi naman ni Jasphier, agad silang naghanda para mamaya dahil susunduin nila ang tatlong Alérial na nasaktan noong sumugod ang mga Althexico sa Frantíco.

"Tara na?" Tumango sila saka lumabas ng dorm nila at naglakad sa hallway, nakita na naman nila ang magagarang disenyo na nakahanay sa hallway ng Frantíco. "Ano na kayang nangyayari kila Odeya ngayon? Nahihirapan akong matulog simula ng nakuha nila Zerto." Pagbabasag ni Quirsten ng katahimikang namumuo sakanilang tatlo.

"Ako rin, hindi nga ako mapakali kakaisip, basta masasagot na yung mga tanong natin mamayang gabi." Tugon ni Jasphier kay Quirsten.

Agad silang nakarating ng clinic, nakahanda na rin sila Xaviel sa pagalis. "Talaga bang okay na kayo? Pwedeng kami nalang yung gumawa ng plano, magpahinga nalang kayo." Sabi ni Trevor sa tatlo.

"Kaya na naman to Trev, diba?" Tumingin si Xaviel sa dalawang bata at sabay silang tumango ng nakangiti. "sabi sayo eh" nakangiting humarap si Xaviel kay Trevor, napailing pero nakangiti si Trevor sa inaasta ngayon ni Xaviel, habang nagtatawanan sila ay bigla nalang umubo si Jasphier na umagaw ng atensyon ng lahat ng Alérial.

"A-ayos ka lang ba Jas?" Nagaalalang tanong ni Xaviel kay Jasphier, ngumiti ng pilit ang Alérial saka umiling ng marahan. "So ano? Bumalik na tayo sa dorm? Magluluto kami ni Quirsten para sainyo." nakangiting bigkas ni Jasphier kay Xaviel at sa dalawang batang Alérial, kaya naman agad nilang napagdesisyunang magsimula ng maglakad.

Habang naglalakad sa hallway ang anim na Alérial ay halatang hindi mapakali ang Alérial ng Kalikasan na napansin naman ni Jasphier. "Trev, ayos ka lang ba? akala ko ako yung 'medyo' masama yung pakiramdam, pero bat parang di ka mapakali?" Sabi ng Alérial ng Metal ng sa pabirong paraan ng sa ganun ay hindi bumigat ang atmosphere sa paligid.

"Parang may sinasabi tong mga halaman dito sa hallway." Nagaalinlangang tugon ni Trevor sa tanong ni Jasphier, huminto sila Xaviel kaya napahinto na rin ang iba pang Alérial at napatingin kay Trevor. "ano naman po yung sinasabi nila kuya Trevs?" Tanong ni Zoe

"may paparating daw na hindi natin aasahan, kailangan daw nating magingat." Tugon ng Alérial.

"Ang ibig pong sabihin may panganib na naman po dito?" Si Gwen naman ang nagtanong kay Trevor.

Tumango dahan dahan si Trevor habang pinagmamasdan ang mga Alerio na naglalakad sa hallway, "pero babala lang ang sinasabi nila, hindi nila alam yung eksaktong panganib, nararamdaman lang nila." Paliwanag ni Trevor sa lahat, "hindi kaya sa gagawin nating plano? O baka sa plano nila Raiviel ang tinutukoy ng mga halaman dito?" Saad ni Xaviel pero walang sumagot sakanya.

"Siguro mas magandang pagusapan natin ang bagay na to sa dorm nalang natin, para mas secure." suwistyon ni Quirsten na hindi naman tinutulan ng iba, agad silang nagbalik sa dorm nila saka tumungo sa dining area ng dorm nila, agad silang umupo pero walang nagbalak na magsalita sakanila ni isa.

Nagpakawala sila ng iilang malalim na buntong hininga bago binasag ni Xaviel ang namumuong katahimikan sa loob ng dorm nila. "Bakit hindi natin sabihin kila Raiviel ang sinasabi ng mga halaman dito sa Frantíco? Kailangan natin silang balaan."

The Keepers (AlérialSeries#1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon