ANG KATABI

69 2 0
                                    

Hindi ka estudyante kung hindi ka nagkaroon ng katabi sa upuan na tutulong sayo sa maraming bagay. Yung taong bubulong sayo ng sagot kapag hindi mo masagot ang tanong ni Ma'am. Siya rin ang pinakaunang tatawa pag may nagawa kang kashongahan. Yung taong makikipag-unahan sayong kumuha kapag may nahulog kang gamit sa lapag. Maaasahang kaklase rin sa oras ng pangangailangan, taong una  mong hihingian ng mga bagay-bagay. Yung katabi mong sandigan mo sa oras ng kopyahan, kadugaan at usapang pang-kaibigan. Kung saan meron kayong kasunduan pag sinabi na ng teacher niyo ang "EXCHANGE PAPER WITH YOUR SEATMATE."

HINDI KA ESTUDYANTE KUNG ...   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon