Hay ang bilis ng araw may pasok na naman bukas! Nakaka tamad ng pumasok😭 paanong hindi nakaka tamad anong petsa na may pasok parin?? Pero keribels di pwedeng umabsent. Kahit na medyo tamad na tamad na ako hindi ako absenera. Marami akong pangarap na dapat matupad.

"Yen! Aba anak naman ng kalabaw oh. Wag ka ngang kukupad kupad dyan malelate ang pinsan mo! Mag aalas otso na. Nakikisabay ka na nga lang ikaw pa hinihintay?!" Ang aga aga napagalitan na naman ako. Pero ayos lang sanay naman na ako e.

Nakikitira lang kasi ako sa tita ko. Nag tataka kayo nasan magulang ko? Hindi ko rin alam dahil bata palang ako iniwan na ako ni nanay kila tita Nelia. Ni hindi ko nga alam kung may kapatid ba ako ang tatay ko naman ay mas lalong hindi ko alam.  Si tita Nelia ay kapatid ni nanay sa ama. Si Chantal naman ang pinsan ko na tinutukoy ni tita nelia ang kanyang napaka bait na anak tulad niya.

Oo sila ang nag papa aral sa akin mula bata ako pero hindi naman sa pag mamayabang pero mula nag aral ako ay full scholar ako. At dahil may hiya ako syempre nag papart time job ako sa mga fast food chain o di kaya naman minsan ay nag tututor ako.

Kailangan kumayod para sa kinabukasan alam ko na kahit ganito ang buhay ko may tiwala ako kay God na hindi niya ako papabayaan.

Hay tama na ang drama malelate na ang maganda kong pinsan.

"Opo ito na!" Halos takbuhin ko ang pagbaba sa hagdan.

"Why so tagal mo naman? Malelate na me sa class ko. You're so kupad talaga hmmp!" Sabi ni chantal pagka baba ko ng hagdan. Sorry naman ilang oras lang kasi ang tulog ko. 

"Mommy alis na kami ni yen, babush!" Paalam ni chantal kay tita nelia

"Tita alis na po kami". At tumango naman si tita tsaka kami sumakay sa tricycle. Sa likod ako ni manong kasi solo niya ang loob ng tricycle masikip daw. Pero okay lang kesa naman mahilo ako sa pabango nyang amoy nakulob na ewan. Hahaha nagets nyo ba?

Maya maya pa ay nasa school na kami pareho kami ni chan na 4th year college na. Ang kurso ko ay BSBA major in Operations Management. Si chan naman ay BS in Psychology.

"Braddd! Bakit ang tagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay" si Garry babae yan kaso totomboy tomboy lang hahahaha man hater ba ganun.

"Pasensya na tinanghali ako ng gising". Maikling sagot ko sa kanya.

"Oo tamad na tamad ka na nga e. Tara na andun sila karla sa room 201 dun daw tayo magka klase ngayon ayaw na umakyat ni ma'am cortez alam mo na tumatanda na hahahaha".

"Hahahahaha sira ka talaga" tumatawa kami habang papunta sa room.

"Hiiii brad may ibabalita ako narinig mo na ba ang balita na may dadating na pogi sa school natin??" Ayan na naman si karla ang kikay sa aming tatlo ang hilig sa gwapo.

" at sino naman daw?"tanong ko

"Don ata pangalan. Don lang narinig ko e. Anak ata mg may ari ng school. Architec daw balak kasi nilang dugtungan yung likod ng school para lagyan ng highschool". Paliwanag ni garry

"Kyaaaa!! Excited na ko!!". Si karla talaga bibong bibo na naman.

Mag kukwentuhan pa sana kami ng dumating na si Sir Gomez.

Habang nag ka klase di sinasadyang napa tingin ako sa labas may lalaking dumaan na naka formal attire napatingin din siya sa gawi ko. In fairness ang gwapo ni kuya. Tarush. Ngingitian ko sana kaso ang sama tumingin.

Ang sungit naku pasalamat siya gwapo siya.

Sino kaya yun?

Pagkatapos ng klase kay sir Gomez pumunta kami sa rooftop ng school. Dun kami tumatambay habang wala pang klase.

Nauna na akong umakyat sa rooftop dahila namili pa ng pagkain sina karla at garry.

"Ang saraaap ng hangin!!" Sigaw ko sa kawalan. Ang sarap talaga sa feeling ng hangin dito sa rooftop.

"Ingay naman oh!" Ng biglang may nagsalita sa gilid ng bench.

Bumangon ang lalaki at tumingin sa akin.

"Sorry, akala ko walang tao" pag papa umanhin ko.

Lumapit siya sa akin at ako naman umaatras habang papa lapit siya hanggang sa pader na ang nasandalan ko. Oh no anong gagawin niya sakin?? Virgin pa ko ni wala pa nga akong first kiss. Wag naman sana nya ako gawan ng masama.

Sa sobrang lapit ng mukha nya sakin napapa pikit ako tapos may binulong siya sa akin.

"Kung ayaw mong halikan kita wag ka ng babalik sa teritoryo ko. Kuha mo?" Madiing sabi nya.

Tinignan ko siya "Pero dati na kaming tumatambay dito pero wala ka naman. Paano mo ito naging teritoryo?"

"Pwes ngayon andito na ako. Umalis kana sa harapan ko kung ayaw mong mahalikan kita unless gusto mo talaga" mayabang na sabi nya.

" oo n aalis na. Yabang!" Sabay takbo ko dahil baka habulin nya pa ako hanggang sa may mabunggo akong lalaki na naka suit.

" naku sorry po sir di ko po sinasadya" napa tingin ako sa kanya. Parang nakita ko na siya? Saan ko nga ba nakita ang gwapong ito?




____________
A/n: ayos lang ba? Sorry for the grammatical errors and typos. ✌️😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The hot and cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon