"Wait lang ha. Isa-isa lang. Una, hiningi namin yung number niya. Pangalawa, alam mo ba. Binigay niya! at Pangatlo ... Wala na pala. Icancel natin yung pangatlo."
"Talaga? Shaina! Binigay niya? Sabi na eh, ang bait niya! No wonder, maraming nagkakagusto sa kanya dito sa campus. Oh ano nang # niya?"
Siyempre, binigay na rin sakin ng mababait kong kaibigan. Kaya mahal ko sila eh. Nakukuha talaga nila yung mga imposible!
Pagkauwi, Kahit tambak yung gagawin ko, nakuha ko paring mag Fb. Sa tuwing mag-oonline ako, Profile pa rin ni Mark Asejo yung tinitingnan ko. Ewan ko ba. Naging hobby ko na eh. Siguro, naghihintay pa rin ako na i-accept niya.
Pagtingin ko sa Notifications, WALA PA RING NAG-AACEPT NG FRIEND REQUEST.
"Baka naman kasi hindi pa siya nag-oonline." Nasabi ko sa sarili ko. Don't lose hope Jenny! Isang araw pa lang nakakalipas.
Next day, ang aga ko pumasok! Excited ata akong makita siya. Inspiration ba. Kasi may Long quiz mamaya eh. Baka sakaling maperfect ko kahit dumaan lang siya sa room namin.
"Hoy! Nakatulala ka na naman! Daydreaming te? May test kaya mamaya. Magreview ka na lang."
"Minsan na nga lang managinip ng gising Grace eh! Eepal pa? Maya ka na! I can handle that."
Wow. Mukhang napapadalas pag-eenglish ko. Kaya lang mukhang di bagay. Whatever. Halos lahat ng blockmates ko alam na crush ko si Mark Asejo. Landi ko kasi eh. Masyadong obvious.
"Jenny, tingin ka sa pinto. Surprise ko sayo yan."
"Ha? Bakit Melody?"
Pagkatingin ko sa pinto.... Dumaan si Mark!
"aaaaahhhhhhhh! Melody, iloveyou be! Salamat. Ililibre kita mamaya!"
Buti nalang wala pa si prof. kundi, hay! Di ko na kailangan ng review! Stock knowledge lang test mamaya. Hahahah. Jesus, maraming salamat po. Binigay niyo po yung panaginip ko kanina. Kahit hindi na ko kumain. Busog na busog na ko sa dumaan kanina. :)))))
"Riyah, narinig ata ni Mark yung pagsigaw ko."
"Ata ha? Rinig talaga! Kala ko nga kanina may ipis eh! Kung tumili ka naman!"
Circle of Friends kami noh. Lahat kasi ng blockmates ko kasundo ko.
Ang bilis ng oras. Uwian na naman.
Siyempre, mawawala ba ang pagbubukas ko ng Facebook? Hahahah.
Pagkalog-in ko..
May nagchat saken!
"Uy!"
Sino ba to? Close ba kami? Maka "Uy" naman! Mark Asejo lang pala.
M A R K A S E J O ?
omg! Si mark asejo. nag-accept na. Chinat niya ko? For what? *kileg*
"Hi" sagot ko.
"Diba ikaw yung freshman sa HRM?"
"Opo"
"Ahh. Bakit hinigi ng friends mo yung # ko?
"Malay ko"
Malay ko? Ano ba yan? Ba't yun yung sagot ko? Jenny! WTH.
"di ko alam sa mga yun. pagpasensyahan mo na. Kilala mo na ko di ba? Lagi kasi kitang nakikita sa school. Famous ka kasi eh. Hahahah" pang-uusisa ko ulit.
"Ah. K! Bye"
*Mark Asejo is offline*
Ang dami kong sinabi.. "Ah,. k! Bye!" Lang? Yun na yun? Haba ah. Nahirapan akong magbasa. Sige, okay lang. Atleast nag effort siya na i-chat ako diba.
Sa sobrang saya ko, pinrintscreen ko yung pagchachat namin! Hahaha. Obsessed na ba ko masyado? Hindi naman diba. :P Pinagmamalaki ko yung Chat na yun. xDD
Pumunta na ko sa profile niyo kung may latest update ba.
At .....
Mark Asejo is in a relationship with .....
Donnah Cruz?
with 73 likes? WTF!
Who the hell is Donnah Cruz? Diba singer yun! Hahaha. Kapangalan?
Sa puntong iyon.. parang binagsakan ako ng langit at lupa.. tapos sapul sa mukha.
May Gf na siya? Ngayon lang? Pake ko ba!
:'(((((((((
YOU ARE READING
"Love or Infatuation?" ONHOLD
JugendliteraturAno nga ba ang nararamdaman ni Jenny na isang simple girl para kay Mark? Love or Infatuation lang? Paano iikot ang mundo ng isa't isa? Hanggang saan hahantong ang pag-iibigan nila? Find out and read Love Or Infatuation! Thank youuuu. <3