Day 2 - Hinawakan niya ako! SheeeeeeeeeT!

1K 16 12
                                    

Kinatok ko ang pinto ng suite ni Daniel.

Three soft knocks.

Tok

Tok

Tok

Wala. 7:29 na. I looked at my watch. 7:29. Luma na pala ang watch ko 3 years na to sa akin eh. Bigay ni Rick nung hindi pa siya nag-aartista. Magkababata kasi kami noon. Alam niyo na, yung puppy love. Yeah, si Enrique, we were so young, and crazy. But I don't know why, I can't still forget him. Suot-suot ko parin nga itong relo na binigay niya sa akin, from three birthdays ago, and that's the last time I saw him.

Kakatok pa sana ako, but bigla nang bumukas ang pinto.

"Good morning sir!" bati ko sa kanya, with mysweetest smile. Eh paano, pinagsabihan kasi ako kahapon ni mang Carding on how I should treat the guests especially Daniel. Kaya, wala akong magagawa kundi kalimutan nalang ang naging harsh treatment niya on Day 1.

Hindi man lang siya sumagot. Hinila niya ako papasok.

Shet. Hinawakan ako ni Daniel. His skin on mine. Grabe!!!!!!!!!!!!!!!

"Hoy, linisin mo nga ulit tong room ko. Maalikabok. I'm allergic." humiga siya ulit sa kama niya.

Grabe, ang yabang talaga.POSITIVE thoughts. HAPPY thoughts. Kailangan kong mag-isip ng mga happy thoughts paradi lumabas ang inner demon ko.

"Okay sir. Sisiguraduhin ko po yan."

Minulat niya ang mga mata niya. I flashed him a sweet smile.

"AND! Lagyan mo nga ng kurtina ang bintana niyo. Ayaw ko sa liwanag!" he added, his tone very authoritative.

"Aswang ka siguro that's why." I answered in a whisper.

"I heard that!" oops. Narinig niya pala. Grabe naman ang radar ng taong to, ang LAKAS!

"Sabi ko, opo sir. I'll bring your curtain right away." I flashed him my sweet smile again.

Nakatingin siya sa akin, yun bang parang naiinis.

"May iba pa po ba kayong request sir?"

"Actually, meron pa. GET OUT!" sinigawan na naman niya ako. Anong problema ng taong to, at ako ang palaging napagbubuntungan ng galit niya?

"OK sir, if that's what you want. Just give the front desk a ring, kung may kailangan pa kayo. Enjoy the re---" hindi pa nga ako natapos eh, sumigaw na naman siya.

"I said GET OOOOOOUTTTTT!!!" lumabas nalang ako, agad. Baka mabugahan pa ako ng apoy ng dragon. MAHIRAP NA.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon