Mahal parin kita.
Kahit meron ka ng iba.
Kung SANA inamin ko sayo agad yung nararamdaman ko, Edi SANA nahintay mo ako. Bakit ba kasi ang duwag-duwag ko pagdating sayo?Alam ko hindi na pwedeng maging TAYO
Kasi meron na kayo ng kaibigan ko.
Pero tandaan mo, nandito lang ako laging umaalalay, hindi ako lalayo at hindi kita pababayaan. SANA maging masaya ka sakaniya, alam kong iingatan ka niya.
Ayoko ng manggulo pa.Sino ba naman ako ? Taong walang ginawa para mapanatili ka sa piling ko.
Naalala ko tuloy nung elementarya tayo, gandang-ganda ako sayo nun, transfer ka sa eskwelahan namin. Ang simple-simple mo, sa sobrang pagka-simple may pagka brusko ka pala.Babaeng brusko :) Doon kita minahal. Sa pagiging simple at pagiging iba ng ugali mo. Pinagtanggol mo yung kaklase nating binu-bully ng mga barkada ko, sinuntok mo pa mukha ko noon. Hindi ako nagalit, natuwa pa nga ako.
Ang saya-saya mahulog sayo.
Bakit ba kasi pinakawalan kita ?
Bakit ba kasi ang tanga ko ?
Bakit ba kasi napaka-torpe ko?Hanggang nag High School tayo, Naging magkaklase parin tayo. Lalo kang gumaganda sa paningin ko, marami nang umaaligid sayo. Natatakot nako.
Marami nang nagmamahal sayo kasama na ang kaibigan ko.gusto kitang itago kaso hindi ko kaya.
Kasi WALANG TAYO.Pero hindi ko na mababalik ang DATI, Kasi huli na para maging TAYO.
Lalo na malapit na kasal niyo at magkaka-anak na kayo. Para sayo susubukan kong maging masaya kahit ang hirap-hirap, napaka tanga ko talaga at naging best man pa ako ng kasal niyo.
Lalong isasampal sa akin ang katotohanang tanga ako sa araw ng kasal niyo, kasi hindi ko manlang napaglaban yung nararamdaman ko para sayo.
Pero kahit mabigat. Papakawalan na kita, ipapaubaya na kita, kasi mahal kita. I love you - Unknown