my friend and i

9 0 0
                                    

“ Give me an S!” Nagporma si Crystal ng “S” sa pamamagitan ng pag giling ng kanyang bewang.

“give me an H Give me an “O” Give me an “N” Give me an “E” what do we got?

“FOOL!” sagot ng bestfriend niyang si Miles

Inangilan niya ito at iritadong ibinaba ang hawak na pompoms. Tumawa ito. “bini ka ba o gumaganti ka lang ?”

Palagi kasi niyang pinapangaralan ito noong panahong patay na patay ito sa first love nitong ni evan.

Ngayong siya naman ang patay na patay sa isang lalaki ay ito naman ang nanonopla sa kanya.

“shone, shone shone. Puro na lang shone ang naririnig ko sayo. Kahit sa cheering, si shone pa rin ang isinisigaw mo.”

“eh, anong magagawa ko kung siya ang isinisigaw ng puso ko?” dramatic na sabi niya

“yuck! Tigilan mo na nga yang ka-corby-han mo.”

“corny raw. Kung di ko pa alm na mas malala ka sa akin. Remember kung paano mo ipinagsigawan na  patay na patay ka kay evan noon----“ hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil mabilis na tinakpan ni miles ng palad nito an bibig niya. Nang matanggal niya ang kamay nito ay binelatan niya ito.

Ayaw na ayaw ni miles na ipinapaalala rito ang nangyari ditto sa university kung saan sila sabay na nag-drop out. Kahit hindi nito sabihinsa kanya, alm niyang hindi pa rin talaga ito nakaka-recover sa pinagdaanang kahihiyan doon at sa kinahinatnan ng unang pagibig nito pero hindi na ito emosyal kapag napag-uusapan iyon ngayon.

Ang insidenteng iyon ang nagbunsod sa kaibigan niya para lumipat sa ibang eskuwelahan. Dahil ayaw niyang mawalay rito, nag-drop out siya para sumama rito.

Pretend to be mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon