Chapter 25 --- Vindictus' Ella ---

23 3 10
                                    

Ace' POV

Nasa harap ako ngayon ng salamin at tintingnan ang mga mata kong parang namamaga at napapalibutan ng eyebags. Sino ba naman ang makakatulog pagkatapos ng nangyari kagabi? Naramdaman ko pa ang pag-alis ni Alecka sa tabi ko. Alam ko na hindi rin siya nakatulog dahil doon. 


Lumabas ako ng kwarto at bumungad sa akin ang mga nakangising imahe nila Manang Isidra at Mang Caloy. Sigurado akong iba ang nasa isip nila ngayon. Naabutan ko rin si Alecka na kumakain sa hapag-kainan. Nang makita niya ako ay agad rin siyang umiwas ng tingin. Kahit ako ay hindi rin makatingin ng maayos sa kanya. Napadako muli ang tingin ko kina Manang Isidra na mula sa pagkakangisi ay nabalutan ang mukha nila ng pagtataka. 


"Magandang umaga po Manang Isidra, Mang Caloy. Sabayan niyo na po kami kumain." pagyaya ko sa kanila.

"O sige iho.." at umupo na rin sila para kumain. 

Tahimik ang aming naging pagkain. Sa sobrang tahimik ay maririnig mo ang panaka-nakang pagbubulungan nila Manang. Parang gusto ko na magpalamon sa lupa dahil sa mga pinagbubulungan nila. Tiningnan ko si Alecka kung ano ang magiging reaksyon niya ngunit parang wala siyang pakialam sa pinag-uusapan nila. 


Matapos naming kumain ay dumeretso ako sa tabing dagat para magmuni-muni. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Alecka sa mga ganitong sitwasyon. Ito ang kauna-unahang beses na naramdaman namin ang pagiging awkward sa isa't isa. 

Napahiga ako sa buhanginan at napatingin sa langit. Napakapayapa ng panahon ngayon at ramdam pa ang lamig ng hangin na nanggagaling sa dagat. Maririnig din ang paghampas ng alon, huni ng mga ibon at maging ang kaluskos na nanggagaling sa paggalaw ng mga sanga dahil sa pag-ihip ng hangin. Dahil dito ay para akong iuugoy sa duyan, dahilan para unti-unting bumigat mata ko at maanod ng antok. 


_____

Francis' POV

"Sir, Isla Arcana is on sight. We will land according to your instruction earlier." Napatingin ako sa islang nakikita ng aking mga mata kasabay ng paglawak din ng ngiti sa aking labi. 

Sa wakas malapit na. Malapit na akong makaganti at makuha ang nag-iisang tao na nagustuhan ko. 

"Sensor On!" tiningnan ko ang buong mapa ng Isla Arcana at nakita kong muli ang mga pananda kung nasaan sina Alecka at si Ace. Inaasahan ko na may iba pa silang kasama at hindi nga ako nagkamali roon. Kailangan ko pa rin mag-ingat dahil hindi ko alam kung katulad ba namin sila o isang ordinaryong tao lamang. Magkahiwalay ngayon at parehas silang hindi gumagalaw sa kanilang pwesto. "Let's proceed according to plan." sabi ko sa mga tauhan ko. 

Naghanda na ako para sa paglapag namin. Kailangan kong magawa ng maayos at mabilis ang plano kong ito at sana walang maging sagabal sa pagsasagawa ko ng planong ito. 


Nang makalapag na kami sa likod ng Isla Arcana ay nagmadali akong pumunta sa lugar kung saan nakatigil ang pananda ni Alecka. Hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagalaw ang pananda ni Ace na ikinatuwa ko. Magiging mabilis ang pagsasagawa ng plano ko. Nagsama lang ako ng ilan sa mga tauhan ko. Hindi sila kagaya namin. Mga ordinaryong tao lamang sila. Sapat na iyon para maisagawa ko ang plano ko. 

Nang makalampas ako sa masukal na gubat ay nakita ko ang isang bahay na malapit sa pampang. Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita si Ace na nakahiga sa buhanginan at mukhang mahimbing na natutulog. Kaagad akong pumasok sa bahay. Hindi naman ako masyadong nahirapan na pasukin ang bahay. Ayon sa aking Sensor ay apat lang silang nandito. Si Ace, Alecka at may dalawa pang tao na sa wari ko'y mga tagapangalaga ng bahay na ito. 

Madali kong naiwasan na makita ako ng mga kasambahay dito at kaagad na pumunta sa kwarto kung nasaan si Alecka. Unti-unti kong pinihit ang doorknob at mas naramdaman ko na magtatagumpay ako dahil hindi ito nakalock. Kinuha ko ang isang sleeping gas sa bulsa ko at pinagulong sa loob ng kwarto ni Alecka. 

Naghintay lang ako ilang minuto at pinasok ko na ang kwarto ni Alecka. Naabutan ko siyang nakahiga sa sahig. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan. Hinaplos ko ang mukha niya habang unti-unti siyang nawawalan ng malay. 

"As much as I want to make own you here, we still need to wait until we get out of this island. You are now in my arms and soon to be mine." sabi ko sa kanya bago siya tuluyang mawalan ng malay. 

Binuhat ko siya at akmang palabas na kami ng kwarto niya nang may kung anong bagay na bumalot sa mga paa ko dahilan para hindi ako makakilos. 

Yelo.


_______

Trey's POV 

Buhat-buhat ko ang katawan ni Frankline na ilalagay sa dungeon dito sa bahay. Pinagawa ni Dad ito para sa mga tao na mananakit sa amin. Dito rin nilalagay ni Dad lahat ng mga torture items niya para mapaamin ang mga nanakit sa pamilya namin. 

Sa sitwasyon naman ni Frankline ay hindi na ito papahirapan pa nila Dad dahil nakuha na niya ang gusto niya. Napaamin na niya ito at ikukulong na lang hanggang sa mahuli rin ng Vindictus si Francis. 


"Mukhang may dagdag na naman tayo sa koleksyon Sir Trey." bungad sa akin ni Ella. Siya ang napili ni Mom na maging tagabantay dito sa dungeon. Isa din siya sa mga kasapi sa Vindictus. Sa pagkakaalam ko ay halos parehas lang kami ng edad. 

"S-saan ba natin ilalagay ito? May pwesto pa ba para sa kanya? Ililipat din naman siya sa The Lair kapag nahuli na ang kapatid niya." Damn it Trey! Why do you stutter you idiot! Nakita ko naman na napangiti siya sa hindi ko malamang dahilan kaya nag-iwas tingin na lang ako. 

"Cell number 30 Sir! Samahan ko na po kayo." sabi niya kasabay ng pagsisimula ng paglalakad niya patungo sa selda kung saan ilalagay si Frankline. Nakarating na kami sa selda ni Frankline at inihiga siya sa kama tsaka niya kinandado ang selda. 

"S-salamat E-ella." Argh! Trey Arcana!! Man up!! Why do you stutter in front of an agent?! 

"You're welcome Sir. It is my duty to assist you here in the dungeon." tugon niya at umalis sa harap ko para bumalik sa pwesto niya. Sinundan ko siya dahil parehas lang naman ang daan papunta sa taas. 

"Okay ka lang ba dito? Masaya ka naman ba dito?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko itinatanong sa kanya ang mga bagay na ito. Siguro ay naging komportable na ako na palagi siyang kinakausap. Masarap siya kausap. May sense of humor at hindi nakakabagot. Minsan nga ay mas gusto ko pang manatili na lang dito na kasama siya kaysa mag-isa ako sa kwarto. 

"Okay lang naman po ako dito. Masaya rin naman. Ito ang trabaho ko kaya masaya ako dito." hindi ko maipaliwanag kung bakit nadisappoint ako sa sagot niya sa akin. May gusto akong marinig na sagot na galing sa kanya. 

"O sige. Akyat na ako. Salamat ulit." tuluyan na akong umalis sa dungeon at bumalik sa kwarto. 

Kung magiging bihag ka dahil sa trabaho mo, gagawin kitang bihag ko. Gagawin ko ang lahat para mabihag kita Ella. Magiging bihag kita. 

______

A/N: May naaamoy akong something something something kay Trey! Kapatid ata siya ni Francis! AHAHHAAHAH! 


Enjoy Reading! 

_____

Raijiin

Ace Arcana: The Fool's Escape (Book 1 Of 7 Arcana Siblings Series) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon