Ang hirap kumawala sa nakaraan dahil umaasa kang babalik pa siya sayo.Yung tipong nakakapit ka pa pero sya bumitaw na.Yung di mo alam kung saan sya nagpunta na basta na lang aalis at iiwan ka nalang basta basta na walang paalam.
Ang saya nyo pa nung huling magkasama kayo. Ngunit isa na lamang itong ala-ala sa iyo at sa kanya.At matatanong mo sa sarili mo inaalala nya kaya ako gaya ng pag-aalala ko sa kanya?Ang masaklap pa eh kung ano ang label nyo sa isa't isa.
Ang tagal mong tiniis, umasa na babalik sya.Ngunit paano kung unti -unti mo na syang nakakalimutan at nagsisimula ka nang buksan ang iyong puso sa iba..Bigla nalang dadating na parang isang bula tulad ng kanyang pag-alis.
Ano ang gagawin mo?Aasang muli o let go na?Magpapakatanga ka na man sa kanya o ibaling na lang sa iba ang nararamdaman?... Ang gulo gulo.
Eh pano kung ang dahilan nito ay first love mo?at nagkaroon kayo ng mga magagandang ala ala. Kakayanin mo pa ba?
Sabi nga nila.. First love never dies... , first heartbreak puro nasa first.
Pero di ka naman mag mamahal uli kung di ka nasaktan ng una diba? Hindi lahat ng first ,eh yun na..Pwede mo pang ulitin kaso lang di na gaya ng dati.More improvement.May MAS higit pa don sa inaakala mong sya na pero di pa pala.
Ang tanong, si Past or Present?
BINABASA MO ANG
Struck by Love (on-going)
Teen FictionPaano kaya kung magbago ang ihip ng hangin? Mahulog na kaya siya? Isang babae na nakakapit pa rin sa nakaraan.Pano kung may dumating na mas higit pa? Ano kaya ang pipiliin nya PAST OR PRESENT?? Siya si Xyrille Shanea Mendez at sundan natin ang kanya...