--Chapter1

126 6 4
                                    

--Chapter 1--

>>Gabby's POV

"oh ..Gabby yung baon mo nadala mo na ba? yung sapatos mo nandyan sa may tabi ng cabinet ni Paulo, yung school bag mo nasa kwarto ni Mikay eh .. pasensya na nahiram niya kagabi .. hoy Gabby nakikinig ka ba?"

"Opo la .. kuha ko po .."

Waah .. papasok na naman :<

Alam mo yung tinatamad ka? pero hindi dahil sa papasok ka para matuto,katunayan scholar pa nga ako eh.

Nakakatamad lang talaga na pumasok sa school na pinapasukan ko.

I hate those people. ><

Ewan ko ba't dito ako na-enroll?

By the way I'm Gabrielle S. Molina, Gabby for short. 3rd year highschool na ako ngayong pasukan sa eskwelahan na kinamumuhian ko ng sobra .. ang 'Swammerdam Academy'.

Yes, kakaiba yung name ng school namin no? Actually surname yan ng isang entomologist at microscopist na si Jan Swammerdam kung anong koneksyon ng school namin sa kanya hindi ko alam. Siguro idol siya nung principal namin ^^

 Yung pagiging unique ng name ng school namin eh parehas din ng pagiging unique ng mga tao sa  school. Yes mga abnormal sila. Yun lang ang masasabi ko.

"Gabby .. hindi ka pa ba tapos kumain.. malalate ka na anak.."

"tapos na hoh ako la ... saglit nalang po"

"aba bilisan mo .. mahuhuli ka na"

"opo la.."

Si Lola .. excited akong pumasok sa school for AB Normals.. hay ..kung alam lang niya.

Sinubo ko na yung huling kanin na natira sa plato ko .. tapos tumayo na ako at nagsipilyo.

Konting ayos lang sa buhok tapos okay na ... maglalakad na ako papuntang SDA (Swammerdam Academy).

Malapit lang naman yung bahay namin sa school ko eh kaya walking distance nalang .. 

....

...

After some minutes nasa school na ako.

"hai manong Harry !"

Yun yung guard namin sa school. Mga nasa 50's na siguro yun ..pero close ko yun, mabait nga yun eh .. may anak din siyang nag-aaral dito si Wyncole.

"oh Gabby? ready ka ng pumasok? aba 3rd year ka na rin ah no?ka-level mo na din si Wyncole !"

3rd year na rin yung anak niya .. na si Wyncole kaso hindi ko naman siya kaklase kasi 2nd section yun. Hindi rin naman kami close nun eh .. nakilala ko lang siya kasi pinakilala lang siya ni Manong Harry sa akin through description.

"oo nga po eh .. sige papasok na po ako !"

"sige hija ! goodluck sayo !"

Ngumiti nalang ako at kumaway.

Langhap ng hangin ...

...

...

Hay ... buti pa yung hangin fresh ! hindi tulad sa mga chismisan ng mga tao dito .. parang nabubulok na gulay. 

Sobrang paulit-ulit ko na tong naririnig. !

....

...

..

Nasa hallway na ako ngayon at papasok na sa room ng first subject ko .. Chemistry.

At habang naglalakad ako..kasabay ko tong dalawang kutong-lupa na pinag-uusapan na naman ang leader ng ka-abnormalan sa school.

The six dealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon