She proposed to Him 4

64 4 0
                                    

"Siya nga pala!" ani Sean na ikinalingon ulit niya rito.

"Ano?" nagtatakang tanong niya.

"Bakit nga pala tayo magpapakasal, eh wala pang proposal na nagaganap?" sabi nito.

Oo nga naman! Naisip niya bigla kaya inilahad niya ang right hand niya rito para tanggapin ang proposal nito.

"Lumuhod ka na!" sabi ko na kinikilig pa ng bahagya iniisip na sana totoo toh! Gosh!

Pero sa kasamaang-palad.....

"Ba't ako ang luluhod? Diba ikaw ang nangangailangan sa akin? So, meaning?" anito na may naka-attach pa na devil smile sa labi.

Napaisip siya sa sinabi nito. Tama, siya ang may kailangan dito so dapat siya ang magpopropose! OMG! In her entire life di niya na-imagine na siya ang magpoprose sa isang lalaki! Ang naiimagine pa naman niyang wedding proposal ay yung nakaluhod ang lalaki, with all the flowers sa paligid at sweet scent of rose, him holding a very nice ring saying sweet nothings at she will say yes, then boom! Kiss na agad! Pero mukhang bigo ang imagination niyang yun!

Gwyn, kailangan mong magpoprose sa kanya!

Pero, wala na akong dignidad nun!

Wala kang magagawa!

"Pero Sean, lalaki dapat ang lumuluhod! Kaya, ayoko!" 

"Ayaw mo talaga?" tanong nito na tila inaarok siya.

"Ayoko!" pagmamatigas niya at tinalikuran ito.

"Eh di walang kasalang magaganap!" anito at paglingon niya ay nakaalis na sa pwesto nito kaya mabilis pa sa alas kwatro ay lumuhod siya.

"SeandeVillathemosthandsomemanonearthpleasewillyoudotheextraordinaryhonorofmarryingme?" aniya na pati siya ay hindi naintindihan ang mga sinabi niya. Narinig niyang tumawa si Nikka sa likuran niya at ng nilingon niya ito ay ngpeace sign lang sa kanya.

"Ano?" tanong ni Sean na tila naiinis sa kanya. "Ganyan ba dapat magpropose? The answer is No!" Tinalikuran ulit siya nito.

"Okay! Okay!" aniya at humugot ng malalim na hininga. "Sean de Villa, the greatest man I have ever met and I will ever love. The guy who's like the brother of Apollo. The guy who has the face of an angel and have the sweetness of honey. The guy -- "

"I know all those things about me kaya wag mo ng sabihin at diretsuhin mo na lang sa proposal mo!" anito na pinagcross ang mga kamay sa dibdib, tila inip na inip na.

"Okay! Will you do the extraordinary honor of marrying me?" aniya sa bagot na tinig.

"Kaya mo ba akong buhayin?" tanong nito sa kanya na ikinagulat niya. Talagang pinaglalaruan lang siya nito!

"Kaya!"

"Kaya mo ba akong pakainin at patirahin sa malaking bahay?"

"Kaya!"

"kaya mo ba akong bigyan ng maraming anak na magmamana ng aking imperyo?" 

Nagulat siya sa tanong nito. Anong ibig sabihin nito sa tanong nito? Wag niyang sabihing, iko-consume nila ang marriage nila? That thought gave her chills. What does it feels like to be in his arms? What does it feels like to be kiss by him?

Ano ba tong naiisip niya! Inignora niya agad ang thought na yun.

"huh?" yun lang ang tanging nasabi niya.

"Yes!" sagot nito na hindi niya nagets!

"Ano?"

"I said yes. I'm gonna marry you kahit wala ka man lang binigay na singsing!" anito at umalis na ng tuluyan at nagpunta sa sala.

Napaupo siya sa sahig.

"Okay lang yan sis," pang-aalo sa kanya ni Nikka na lumuhod sa tabi niya. "At least, solve na problema mo. Ang kailangan na lang, pakasal kayo at pakilala mo siya sa dad mo," ngumiti ito sa kanya at tumayo.

"Haaayy...Ano ba tong nangyayari sa buhay ko!" aniya sa sobrang frustration sa mga nagiging pangyayari sa buhay niya.

"Gwapo naman si Sean kaya mapagtitiisan nah!" ani Nikka na ikinangiti niya. Inilahad nito ang kamay para tulungan siyang tumayo. Tinanggap niya ito at tumayo.

"Sana nga ang kagwapuhan niya ay nagmatch sa kabaitan ng puso niya!" 

______________________

ano sa tingin niyo? Enjoy kaya ang marriage life ng dalawa? or Patayan ang magaganap?

bwahahahaha

:P

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She proposed to HimWhere stories live. Discover now