Round brown eyes, thick eyelashes, pointed nose, dark-brown hair, drooping lips, and a curvy body. Halot lahat ng katangian ng isang kastila ay nasa akin. San 'ko ba lahat nakuha yan? Sa nanay 'ko ba? o sa tatay? I don't know dahil hindi naman ako nabigyan ng pagkakataon na makilala sila. Ni litrato nila hindi 'ko na nakita. Auntie Lily raised me alone tulad ko,mag-isa na lang sya sa buhay. They all said that I look like her, pero hindi naman ako naniniwala. Parang ina na ang turing ko sa kanya at ganon di sya sakin.
Napabalikwas ako ng may marinig akong busina ng kotse ang boyfriend 'ko na ata iyon! May boyfriend ako, sya si Joseph Allarey.
I don't love him, I just met him two weeks ago. He blackmailed me! He told me to be his girlfriend or else my auntie Lily will be dead. Sino ba naman ako para tumanggi? Buhay ng auntie ko ang nakataya! Kahit hindi kami blood related ay mahal 'ko yun 'no. Kinupkop lang naman nya 'ko ng mahigit labing walong taon, without any job! Oo, walang trabaho ang auntie ko, ni hindi 'ko alam kung san sya kumukuha ng panggastos namin sa araw-araw. Ngunit dahil sa hiya ay hindi na 'rin naman ako nagtanong.
Dali dali 'kong sinaraduhan ang aming karinderya at baka magalit na naman si Joseph!
"Pasok!" Aba't napakabait naman nyang kasintahan, dalawang araw syang hindi nagpakita tapos sya pa ang galit!
"Eto na papasok na po, Lolo Jose" akala mo ha! Di ko mapigilang matawa dahil namumula na sya sa inis. Pikon na pikok kasi sya kapag ganon ang tawag ko sa kanya, pangalan kasi yun ng street sa ******.
Hindi na kami nagkibuan hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ako na nakatali na 'ko. Wala na 'ko sa kotse nya, anong ginagaw ko dito?
Aba't ano na namang kalokohan ang pinaggagawa nun? Bakit ako nakatali?
"Joseph" I shouted, how dare he do this to me! Kung itatali lang nya ako, ay wag nya na 'kong shotain.
"Gising ka na pala" he said with a smirk on his face.
"Alam mo ba kung bakit kita ginapos?" Tangina hindi! Gusto kong isigaw yon ngunit pinangunahan ako ng takot. Ng takot na baka bigla na lang nya 'kong barilin.
"Ginapos kita dahil, dahil kailangan kitang ibigay sa kanila. Ibibigay kita sa kanila kapalit ng buhay ng ina ko. Pinatay nyo na yung ama ko, hindi ako papayag na idadamay nyo pa ang ina ko! Kriminal kayo! Kriminal!" Kriminal? Ako e ni hindi nga ako makapatay ng manok e. Kayo so ibig sabihin marami kaming pumatay daw sa ama nya.
"Look, I can't even kill a chicken tapos pagbibintangan mo 'kong pumatay. Baka nagkakamali ka lang, kasalanan yon. Hindi ko kayang gawin yon!" Oo hindi ako palasimba, pero alam kong mali yon! Mali ang pumatay! I will never kill! Never.... Never.... I'd rather die than kill. Hindi kaya ng konsensya ko.
"Tulong! Help help!" I shouted as if may tao dito.
"Walang makakakinig sayo dito! Tumahimik ka na kundi bubusalan na kita!" Galit na galit na sya, kaya wala na 'kong choice kundi tumahimik.
Mahigit tatlong oras na 'kong walang imik, maguumaga na pala. I can hear the snoozes of the roosters, tama na yon upang kumpirmahin na nasa probinsya kami!
"Where are we?" I asked Joseph, gusto kong alamin ang lugar na 'to. Maganda ito. Sinaunang mansyon na inabanduna pero maganda pa 'rin ang lugar na ito. Linis lang, at tanggalin ang mga galbok!
"Tayo ay nasa Palacio de Pamilia Allarey, sa Quezon" so pag-aari nila 'to. Maganda talaga 'tong lugar na 'to. Parang mansyon ng mga kastila!
"Alam ko yang iniisip mo, hindi amin to" bigla nyang sabi. Hindi sa kanila pero Allarey sya, sya lang naman ang kilala kong Allarey.
"Okay. May tanong sana ako, uhm diba sabi mo kriminal ako ay este kami? Pano mo naman nasabi yun?" Wala sa kuryosidad na tanong ko. May karapatan naman ata akong magtanong, sya 'tong biglabigla nalang mangingidnap. Pero hindi naman ako takot sa kanya, because I know na mabuti syang tao.
"Don't freaking ask! Stop asking me questions na kahit ako ay hindi ko alam ang sagot!" Sigaw nito, na halatang galit na galit talaga sya!
Ilang minutong katahimikan ang bumalot samin ng biglang mag-ring ang cellphone nya.
"Hawak mo na ba sya" tanong ng kausap nya, na kung hindi ako magkakamali ay lalaki ang mayari ng boses.
"Oo, andito kami sa Quezon. Ang palacio ng mga Allarey. Dalhin mo dito ang aking ina't ibibigay ko sya sa inyo" sagot ni Joseph.
"Masusunod bata, siguraduhin mo lang na tama ang nadukot mo. Kundi, patay ang ina mo" at natapos na ang linya.
Ibibigay nya 'ko? What? No! He can't do this to me fuck! No!
"Dadating na sila, ang susundo sayo. Diba gusto mong malaman ang dahilan bakit kita dinala dito? Sumama ka sa kanila. Mas makakabuti 'yon sayo. Sa ngayon ay kumain ka muna at mahaba-haba pa ang biyahe nyo" Makakabuti sakin? Fuck! Tanga mo Joseph! Paanong makakabuti sakin yun e hindi ko nga kilala ang susundo sakin.
May iniabot sya saking isang plato at isang baso. Naglalaman ito ng sapat na kanin para sakin, at dalawang pakpak ng manok. Ayos na 'to!
Dali-dali ko itong kinain nang may marinig akong busina ng kotse, sila na ata 'yon!
"They're here, ang mga susundo sayo. Sorry, kung hindi lang nila pinagbantaan ang buhay namin ng nanay ko ay hindi kita ibibigay sa kanila." Sabi nito, na animo'y nagsisi talaga.
Sino ba talaga kayo? Sino ba talaga ako? Bakit nila ako gustong makuha? Anong kailangan nila sakin? Andami kong gustong itanong pero di ko masabi.
Mayamaya ay may tatlong taong bigla na lang pumasok, kasama ang isang babae.... si Auntie Lily. Bakit nya kasama yan?
Auntie masama sila! Dudukutin nila ako! They'te bad guys! I wanted to shout but I can't...
"Joseph! Eto na ang ina mo, ibigay mo na sakin si Josefina" Josefina? Ako ba ang tinutukoy nya? Hindi Josefina ang pangalan ko! Ella ang pangalan ko. Ella!
Ohmygod, they're criminals. Kukunin na talaga nila 'ko, please can somebody help me. Gusto ko pang mabuhay!
I stared at Auntie Lily, hoping that she'll help me but she just mouthed me I'm sorry. What the hell!
"Halina na Josefina, sumama ka na sakin. Malayolayo pa ang ating biyahe, lagot ako kay boss kapag nahuli tayo" sabi nito at agad akong pinakawalan.
Ito na talaga ata ang katapusan ko. Lulubuslubusin ko na, I wanted to hate ate Lily but I can't. Kahit papaano ay may utang na loob parin ako sa kanya!
"Auntie help, please help me. I don't want to go with him. Please!" I shouted, hoping that she'll help me.
"Ella I'm sorry, I'm so sorry. Hindi ko gustong gawin ito, desisyon ito ng anak ko. Kung tutuosin ay handa akong mamatay para sa kaligtasan mo, because I promised your dad that I'll guide and protect you before he died. Kung ito na ang huli nating pagkikita, I just want to say sorry. Sorry because I failed protecting you. WAG NA WAG KANG MAGTITIWALA KAHIT NA KANINO. The only person that could help you is you, maniwala ka minsan na rin akong minanipula ng mga Queblar."
OHMYGOD, so all this time kilala pala nya ang magulang ko. Shit lang! She lied to me, she lied!
I can't take it anymore. She's my dad's cousin and yet she chose to betray her cousin's daughter, her niece!Bigla na lang akong hinigit nung tao, at isinakay sa loob ng kotse.
"Where are we going?" I asked the man. Sana lang ay hindi nila ako saktan, Lord please.
"We're going to Pampanga naghihintay si boss dun" aniya at patuloy na nagdrive.
Pampanga? I think it's a nice place. Lagi kong napapanuod yon sa mga tv. Tanggap ko na, na hanggang dito na lang ang buhay ko. Pwedeng patayin na lang nila ako, pwedeng hindi.