Casey's POV
Paglabas ko ng bahay sumalubong saakin ang malamig na simoy ng hangin. Brr anlamig. December narin kasi eh, malapit na ang pasko. Sana wala nang mamatay uli *sigh*
Pumara na ako ng taxi at sumakay na dito "Manong Silver Academy po" giit ko sa driver nitong taxi
"Sige ho ma'am" saad ni manong driver
Kelan kaya Christmas party namin? Hehe sana naman magplano na si Cheska. Kahit kaunti nalang kami sana maenjoy pa namin ang natitirang mga araw namin. Haist hanggang ngayon hindi parin namin alam kung sino ang mga killers. Sana naman tumigil na sila. Ano kayang rason kung bakit nila pinapatay ang mga kaklase namin? May nagawa ba kaming masama sakanila? Hindi naman kasi makatarungan na pumatay sila eh, hindi naman sila ang batas.
"Ma'am nadito na ho tayo" giit ni manong driver
"Salamat po" sambit ko at lumabas na sa taxi.
Bago ako pumasok sa Academy tinap ko yung I.D. ko sa I.D. scanner. Hindi ka makakapasok sa loob ng Academy pag wala kang I.D policy yan dito sa Silver Academy. Mahigpit din ang security guards dito. Alam niyo ba kung anong nakakatawa? Ang higpit nila tapos mabibilang lang sa daliri ang mga cctv cameras sa loob ng Academy. Naglakad na ako patungo sa classroom namin. Pumasok na ako sa loob.
"Good morning guys!" bati ko sakanila
"Morning Casey!" bati nila saakin
"Nga pala guys may sasabihin pala ako mamaya" ngiting sabi ni Cheska
Ano kaya ang sasabihin niya? Geez! Naeexcite ako hahaha ^0^
---
"Ganto guys, bunot kayo dito sa chalk box tapos kung sino yung nabunot niyo, ayon yung reregaluhan niyo" saad ni Cheska. Yes may Christmas party kami ^0^
Pumunta na kaming girls sa unahan at bumunot. Pagtapos naming bumunot yung boys naman yung sumunod. Tinignan ko naman yung papel na nakuha ko. Napangiti naman ako sa pangalang nakita ko.
"Paalala lang guys bawal sabihin kung sino ang nabunot niyo, understood?" Giit ni Cheska "Ako na pala ang sagot sa mga foods at games natin" dagdag pa ni Cheska
"Yes president!" sagot naming lahat
"Magingat ka, magaling silang magpanggap, huwag kang magpabulag sa mga kinikilos nila" giit saakin ni Jenny habang nakatingin sa manika niya.
Magaling silang magpanggap? Huwag akong magpabulag sakanila? Ugh! Sino ba talaga sila?
"Sino ba talaga sila?" tanong ko. Nagkibit-balikat naman siya. Haist mukang magiging madam Auring na talaga ako, hula lang nang hula. Ang hirap din kasing pagdudahan ang mga kaibigan mo eh.
BINABASA MO ANG
Top Section
Mystery / ThrillerSilver Academy. Ang school na may isang section na ang mga estudyante ay nang galing sa mga mayayaman at kilalang pamilya. Lumipat dito si Casey Del Valle. Isang babaeng mabait, maganda, masayahin at matalino. Ayon sa iba ang paaralang ito ay nababa...